Chapter 30: Buko

20.9K 200 6
                                    

A/N: Nic----------

Jared's POV

Pagkahatid ko kay Cline ay paharurot na umalis din ako agad. I know she'll invite me in pero wala ako sa mood humarap sa kanila, pakiramdam ko drained na drained ako sa mga nangyari ngayong araw. Siguro pwede naman na ibigay na nila sakin yun mga panahon na walang ibang tao. Di ko na kailangan umarte at magpanggap kapag walang ibang kaharap. Inisip ko, gusto ko uminom pero ayoko naman mag- bar mag- isa. Ayoko din naman sa ktv namin dahil isusumbong ako ng mga tauhan kay dad. Isa pa, baka tamaan ako ng espiritu ng alak.. Baka bigla ko mapuntahan si Brianna. Her face suddenly crossed my mind. How hurt she was. Napadiin ang hawak ko sa manibela. How can things turn out to be this complicated?

>>>>>>>>>>

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nakaupo sa coffee table ang mom ko. Humalik lang ako sa kanya sa pisngi tsaka papanik na sana sa kwarto ko ng tawagin nya ako bigla. "Jared. We need to talk."

Patamad na humarap ulit ako tsaka sumagot. "Mom, can't it wait? Pagod ako gusto ko na magpahinga."

"What happened sa school? Your tita Ellen called me and she was freaking out. Pagkahatid mo daw kay Caroline ay nagkulong na sa kwarto at ayaw lumabas. She's worried na maulit ang dati at lumala pa ang sakit nya. Ano bang ginawa mo sa kanya?"

"More like anong ginawa nya sakin. She made a scene mom! In front of Brianna! To think na alam nya nangyayari. Okay lang ako eh, sinasakripisyo ko na nga yun pansarili ko, pero wag naman na nyang ipamukha sa babaeng mahal ko kung ano yung meron kaming dalawa ngayon dahil alam natin pare- pareho na nagpapanggap lang ako!" Hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko. Dirediretsong lumabas sa bibig ko yun mga yun ng walang preno.

"Lower down your voice Jared. Sit down." Kalma ni mommy sakin. Napapabuntong hininga na napasunod na lang ako.

"I'm sorry mom. It's just that.. This is also hard for me you know. Ang tagal nawala ni Cline. I loved her. Totoo yun. Pero iba na ngayon. Lahat ng to ginagawa ko to let her live, pero bakit pakiramdam ko, habang nangyayari to, ako naman yun unti- unting namamatay?.."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now