Chapter 31: Secret affair

23.8K 235 3
                                    

 A/N: Nic------------------

Nic's POV

"Nagpapaligaw ka na ngayon?" Kulang na lang malaglag ang puso ko ng may magsalita mula sa likuran ko. Nasa bahay ko kami ngayon, at wala si Caroline. Di ko alam kung nasaan kaya nagtaka ako ng maabutan ko pag- uwi ko si Jared at Lance na nag- iinuman sa sala ko. Si Markus kasi nasa practice ng basketball. Si Atina naman hindi pa din dumadating.

Dahan dahan akong lumingon para harapin sya. It's been a week after ng incident sa restaurant. Nasa kitchen ako ngayon at kasalukuyan nagluluto ng pulutan nila. Pagpasok ko kanina, nag- hi lang ako tsaka nagpalit ng damit tapos dumiretso na dito. Palagi ko naman sila pinagluluto kaya nakasanayan ko na.

Tiningnan ko lang si Jared. Hindi ako nagsalita. Hindi ko sya sinagot. "Okay na bang paa mo?" Nanatili akong walang kibo. Binalik ko ang atensyon ko sa niluluto ko. Sinalin ko na yun sa lalagyan tsaka ko sya nilagpasan. Pinatong ko yung food sa table tsaka pumanik na sa kwarto ko. Mamaya na lang ako bababa pag dumating na si Atina. Dirediretso akong dumapa sa kama ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan.

Anong klaseng tanong naman kasi yun?..

Pag sya may right pakialamanan ang buhay ko, samantalang ako, walang say sa mga pinaggagagawa nya ganun?..

"Hindi ka tumutupad sa usapan." Biglang balikwas ako ng marinig ang boses ni Jared. Dahan dahan syang lumapit tsaka naupo sa paanan ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka anong usapan sinasabi mo? Wala lang si Caroline kung anu ano na--"

"Sabi mo ako lang. Bakit nagpapaligaw ka na sa iba?"

O_O

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora