Chapter 10: Firsts

22.5K 256 16
                                    

A/N: Nic>>>>>>>>

Nic's POV

Alam ko naman na hindi mini- mean ni Jared yung i love you nya sakin kanina pero bat ba hindi ako mapakali. Nandito na kami sa bahay ko at kasalukuyan silang nasa sala nila Atina at Lance. Tapos na kami kumain ng hapunan at naghuhugas na lang ako ng mga pinggan. Mula kanina hindi ako masyado makasali sa bidahan nila kasi nga parang paulit ulit sa tenga ko yun pagkakasabi nya ng i love you.

Dyosko Brianna Nicole! Lubayan mo na at wala lang sa kanya yun!

Pagkatapos ko sa kitchen ay naupo na din ako sa tabi ni Atina at Lance. Bale si Jared lang ang nasa tapat na couch. Napalingon sakin si Atina na parang nagtataka. Dati kasi talagang kay Jared ako agad tumatabi. Ngayon lang ang hindi. Si Jared ang unang pumansin ng ginawa ko. "Bat andyan ka?.."

Tinaasan ko lang sya ng dalawang kilay na kunwaring nagtataka sa tanong nya. "Bakit? Wala lang. Dito ko gusto eh." Tsaka ko binalik ang tingin ko sa pinapanuod namin. Di pa nagtatagal ay biglang tumayo si Jared mula sa kinakaupuan nya tsaka pabagsak na naupo sa tabi ko.

"Kanina ka pa walang kibo ah." Puna ni Jared sabay hilig ng ulo nya sa balikat ko. Hindi padin ako kumibo. Gustong gusto ko sya itulak pero parang tumututol naman ang kalooban ko kasi di ko naman sya matitiis pag ganitong naglalambing sya.

Lumipat ng katapat na upuan si Atina at Lance tsaka walang anumang pinagpatuloy ang panunuod. Nasikipan siguro at nagsisiksikan kami kanina pa. "Hey!.. Pansinin mo naman ako." Pangungulit ni Jared. "I promise I won't let you do any of my prospects term paper, wag ka na magtampo."

Yun pala iniisip nya reason bat ako di nagsasalita..

"Wala yun, okay na yun." Sabi ko na lang.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now