Chapter 60: Something old and new

17.1K 240 8
                                    

A/N: Last chapter.. Yata? Haha thanks po sa lahat ng walang sawang readers na naghihintay ng update ng SYM. Love you all!

Nic's POV

Hangos na bumaba ako ng taxi ng makarating sa lugar na sinabi ni Markus.. Kinalma ko ang sarili ko tsaka dahan dahang naglakad papasok.

Bukas ang gate ng dati kong bahay. Maayos ang paligid at halatang inaalagaan. Hinamig kong muli ang sarili ko.. Naiiyak na naman ako. Sa pagkakaapak ko na to sa dati kong tinitirahan, naalala ko lahat ng memorya simula nung bata pa ako. Nung puno pa ng halakhak ang bawat sulok ng bahay na ito.. Nung buhay pa ang mga magulang ko. Naalala ko pati na ang samahan naming barkadahan, lahat ng alaala namin ni Jared na dito nag- umpisa at nabuo..

Nang makalapit na ako sa pintuan papasok sa sala ko, nabigla ako sa nakita ko. Naitutop ko ang kamay ko sa sarili kong bibig para hindi umalpas ang nag- uumpisa ko na namang mga hikbi.

Nakapaikot ang mga larawan ko simula ng maghiwalay kami ni Jared. Literal na inikot ko din ang katawan ko para lang makita ko ang kabuuan ng lahat.

Merong larawan na andito ako sa bahay ko.. Naalala ko yun yung halos lumalabas lang ako para bumili ng makakain. Meron din yung nasa hospital ako at nagkasakit ako.. Pati yun itsura ko na nakasilip sa hospital window habang hinaharana ako ni Markus nandun din.. At.. Mga kuha sa Chicago.. Nakapaskil sa dingding lahat ng stolen shots. Ngayon naiintindihan ko na kung anong ginagawa nya sa Chicago every two weeks ng mabanggit yun ni Lance sa Tagaytay.

May naglalakad ako sa school, may kumakain ako ng ice cream kasama si Markus, may tumatawa ako.. At may larawan din na tulala lang ako sa terrace ng apartment ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. Ang buong akala ko, iniwan ako ni Jared.. Pero kahit kailan pala hindi sya nawala.. Hindi ko lang sya nakikita pero palagi sya nakabantay sakin. Nasaksihan nya lahat habang ako walang ginawa kundi sumbatan sya sa pag- iwan sa akin noon. Pakiramdam ko ang sama kong tao sa bawat natutuklasan kong ginawa nya para sakin.

"Look for him at your old house, Bri.. Now I know kung saan sya napadpad nung nawala sya para magpalipas ng sama ng loob ng malaman nyang magkapatid pala kami.. The investigators said that he bought your house thrice the amount it was sold. And he never left the country just like what we thought. He stayed there all those times."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now