Chapter 13: Long night

22.8K 284 9
                                    

A/N: Markus>>>>>>>>

Nic's POV

Inorder ako ng lady's drink ni Markus. Iniiwasan kong tumingin sa katapat ko dahil parang gusto ng magbuga ng apoy ng mga mata ni Jared. Ano naman gusto nyang gawin ko? Palayasin ko tong tao dahil sa hindi sila magkasundo? Nagkukuwentuhan kami ni Markus at nagbubulungan dahil talagang malakas ang sounds na kailangan pang idikit mismo sa tenga ng kausap yun sasabihin para magkarinigan kayo. Nalaman ko na matagal na pala nya ko kilala. Natawa pa nga ako ng sabihin nya na crush nya daw ako nun first year pa.

"Hahahaha! Wahahaha!" Natapik ko pa sya sa braso nya ng sinabi nya yun sakin. Kasi naman ang funny, may nagkaka- crush pala sakin.

"Why are you laughing?" Nagtatakang bulong naman sakin ni Markus.

"Hahaha! Sorry! Natawa lang ako sa crush na part. Napaka- joke! Hahaha!" Sagot ko habang tumatawa pa din.

Markus leaned closer to me and looked at me in the eye. Natigil ako bigla sa pagtawa. Na- conscious ako bigla kaya napaatras ako. "That's not a joke." Bulong nya sakin. Naglikot ang mata ko pagkatapos nya sabihin yun. Sasagot pa lang ako ng biglang may humatak sakin at pagtingin ko ay si Jared yun.

"Let's talk." Sinabi nya yun na parang nag- uutos. Hindi sya nanghihingi ng paalam o ano. Boss na boss! Napatayo naman bigla si Markus, napansin kasi nya na parang ayaw ko naman sumama. Halata naman sa mukha ko. Pero nun bandang huli binigyan ko na lang ng nagpapaunawang tingin si Markus tsaka sinabing babalik ako agad.

Nang medyo makalayo na kami ay papiksing tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko. Iritado ko syang hinarap. "What is your problem?? Bat ka ba ganyan ha?!"

Pero hinatak nya pa din ako papunta sa pinakalabas tsaka biglang niyakap. "I hate seeing you with that jerk." Bulong nya sa tenga ko.

As usual, nawalan ako ng lakas para itulak sya. Pati nga dila ko nalunok ko ata. Don't tell me nagseselos sya!? Kasi kung oo.... Waaaahhhhh!!! May pag- asa na ko!! Kumabog ang dibdib ko sa thought pa lang na yun. "W-why?.." Lakas loob kong tanong. Inasahan kong yun ngang iniisip ko ang maririnig ko sa kanya.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu