EPILOGUE

28.7K 446 56
                                    

Nic's LAST POV

"Mahal ko.. Pansinin mo naman na ako. You've been ignoring me for days.. Namimiss na kita." Narinig kong nagsalita si Jared pero nagbingi bingihan ako. Nakatutok pa din ang mga mata ko sa tv at naglilipat lipat ng channel.

Nang maramdaman kong lumundo ang kabilang side ng kama ay nanatili akong walang imik. Alam ko, na matutulog na sya. Ilan araw na kaming ganito. Three days to be exact. Talagang hindi ko sya kayang kausapin. Masamang masama ang loob ko sa kanya. "Brianna.." Usog nya palapit tsaka yakap sa akin. Aba, himala mangungulit pa yata ngayon. Naiiritang tinanggal ko naman ang pagkakapatong ng braso nya sa tyan ko. Padabog na tumayo ako. Kaso, sa pagkakatayo ko nalaglag yung remote control na nakapatong sa tyan ko. Asar na pinilit kong yumuko para sana abutin iyon. Kaso, hindi ko kaya! Hindi ako makayuko nakakabwiset!

"Here.." Maagap na pinulot ni Jared yung remote na nalaglag sa sahig. Inaabot na nya sakin yun pero pinanlilisikan ko pa din sya ng tingin. "Mahal ko naman.. Tama naman na sa ganyan, sige ka, magagalit sayo si baby nyan kasi ang sungit sungit mo sakin.."

Oo, buntis na ako. A month after ng kasal ay nakabuo na agad kami. At simula nuon napuno na ako ng insecurities sa katawan! Inis na inis ako sa pagmumukha ni Jared! At naaasar ako lalo dahil ang laki laki ko magbuntis, sabi nila, ganito daw talaga kapag first child. Hindi naman sa ayoko ng pagbubuntis ko, pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ayaw na ayaw kong makita si Jared, ang akala ko sa first trimester lang nakaka- experience ng ganitong mood swings, pero seven months na ang tyan ko, ganito pa din ako ka- moody. Sa hormones daw sabi ng OB ko, kaya iniintindi na lang din ako ni Jared. Tsaka kasalanan nya, pinagtatawanan nya ako pagka nag tantrums ako kaya mas lalo tuloy ako naiinis sa kanya!

Naluluhang inabot ko ang remote tsaka naupo sa gilid ng kama. Ayan na naman si hormones! Pinapaiyak na naman ako ng walang dahilan! Umusod naman si Jared papalapit sakin tsaka ako niyakap mula sa likuran. "S-sorry Jared ko.. Talagang hindi ko lang mapigilan na hindi mainis sayo eh.. Hindi ko din alam kung bakit.." Humihikbing sabi ko.

"That's alright.. Basta ang importante maayos kayo ni baby, tsaka hindi ka na ulit magagalit sa akin ha?.." Hinalikan nya ako sa noo.

"B-bakit kasi ang daya! Tingnan mo yan!" Sabi ko sabay angat sa laylayan ng white tshirt na suot nya. Ayun ang abs na nakakapanlambot ng laman! "Ang ganda ganda pa din ng katawan mo, tapos ako parang namanas na manok na malapit ng mangitlog!" Iyak ako ng iyak. Twing nag- mall kami napapansin ko na pinagtitinginan pa din si Jared ng mga babae kahit na ba katabi nya ako naglalakad at buntis pa ha!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now