Chapter 41: Left

19.9K 197 9
                                    

A/N: This ud is dedicated to my friend, today is her special day kaya eto na lang gift ko. Wahaha love you so much M! Happy happy birthday! ^__^

Jared on the right----------------------------

Nic's POV

Papasok na ulit ako sa school. Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti ko habang naglalakad. Bawat madaanan ko, nginingitian ko ng ubod ng tamis. Ibang iba ang aura ko at nararamdaman ko yun. Kung makakapagsabog lang ako ng rainbow sa paligid, sa malamang ginawa ko na. Pakiramdam ko kahit saan ako bumaling, puro makulay ang nakikita ko. Basta lahat, magandang tingnan.. Makukulay.. Masaya! Baka nga kung umiyak ako ngayon, rainbow pa din ang lalabas na kulay ng mga luha ko. Hahaha! Ganun eh. I still can't believe that I'm getting married! Ang hinahangad ko pa lang naman dati, yung maipakilala ako ni Jared sa family nya. Pero sobra pa sa inasahan ko ang ginawa nya. Nag- uumapaw yung tuwa sa puso ko. Yung tipo ng saya na pag may madaanan akong malungkot, sasaya bigla pag nahagingan ng positive and vibrant aura ko. Together forever na talaga kami ng Jared ko! Sabi na kasi para sakin talaga sya eh. Buti naniwala na sya. ^__^

Pagdating ko sa room ay pinagtitinginan ako ng mga classmates ko. Nginitian ko sila isa isa. Para mahawa naman sila sa saya ko. Sayang wala pa si Atina. San kaya natulog yun?? Si Jared ko naman kasi kaano kagabi. Gusto daw nya solo nya ako. Yiiiieee. Kinikilig na naman ako. :))

Hay. Sana pumasok na si Atina ng makapagkwento na ako. Hindi na ako makapaghintay!.. ^_^

>>>>>>>>>>>

Uwian na at naikot ko na ang buong campus kahahanap kay Mira. Gala kasi yun baklang yun kaya hindi ko mahagilap eh, patay naman yun cp ko nakalimutan ko mag charge kagabi! Ngawit na din ako ha! Pano galing na din akong gym at wala din si Lance. Pati si Atina hindi pumasok the whole day! Naaamoy ko ng may pakulo yun tatlong yun eh. Ramdam ko may surprise sila sakin. Kasi hindi ko sila nakasama sa pagcelebrate kahapon. Siguro nasa bahay din sila tapos isusurprise nila ako. Tama ganun nga! Kunwari na lang masusurprise ako para hindi masayang effort nila hehe. Makauwi na nga!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now