Chapter 15: Vacation

24.1K 285 12
                                    

A/N: Nic>>>>>>>>

Nic's POV

Papunta ako sa province nila Atina ngayon. Nangako ako sa kanya na susunod ako kaya naman kahit na busy na para sa paghahanda sa pasukan, nagpunta pa din ako. Ngayon din ang alis ni Markus, nagpaliwanag na lang ako bakit hindi ko sya maihahatid man lang. Kulang tatlong buwan din kami nagkasama, at ang masasabi ko lang mabuting kaibigan sya. Ako naman kasi yun tipo na kapag mabait saakin ang isang tao, ganun din ang ibabalik kong pagtrato sa kanya. Kahit na.. Malungkot ako deep inside dahil back to zero na naman ako kay Jared, okay na din dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Pababa pa lang ako ng sasakyan ng.. "Giiiirrllll!!!" Tiling salubong sakin ni Mira. Kasunod nya agad sa likuran nya si Atina. "Akala ko hindi ka na dadating." Sabi nya. Kasunod naman nya si Lance. Napakunot ang noo ko.

"Andito ka din? Kelan pa?" Takang tanong ko.

"Kahapon lang Nic! Dito na ko tumuloy." Sabay tingin sa sasakyan na dala ko. "Bago tsekot natin ah." Puna ni Lance. Ngumiti lang ako bilang tugon. Naglabas na ako ng sarili ko sasakyan dahil naisip ko kakailanganin ko naman yun pang- service ko dahil college naman na ako. Isa pa, mainam ng marunong mag- drive.

"Halika na sa loob, tamang tama ang dating mo nakahain na yun tanghalian." Yaya ni Atina sakin.

"O sige kunin ko lang yun bag ko sa likod." Tumalikod ako tsaka binuksan ang sasakyan.

"Tulungan na kita ate." Sabi ni Mira, pero tumanggi ako. Tatlong araw na lang naman at babalik na kami sa Manila kaya kaunti lang ang dinala kong damit. Maliit lang ang dala kong bag nakakahiya naman ipabuhat pa sa kanya.

"Sino dumating?"

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin