There She Goes Again

7.6K 284 62
                                    

We all make mistakes. 

Mine was falling madly in love 

and forgetting to pack a parachute.

- Michael Faudet

+++++++


"Rhi? Rhian! Magusap naman tayo please? Let me explain, it's not what you think it is..."

"Anong it's not what I think it is Glai? It is exactly what I think it is!"

"No Rhian, please, kung ano man yung nakita mo wala lang yun... I mean you wouldn't take that seriously diba? It's for the crowd..."

"Wow! For the crowd?! Eh mukhang enjoy na enjoy ka pa nga eh! Pa-dedicate dedicate ka pa ng kanta para sakin tapos you'll lock lips with your bassist!? Fuck you!"

"Rhian, kasi - - Wala naman sa usapang may ganun... nagulat nalang din ako sa ginawa ni Patty... Please babe..."

"Babe mo mukha mo! Bahala ka sa buhay mo dun ka sa makating higad na yun, magsama kayo!"

Rhian. Bakit hindi mo ko pinagpaliwanag? Alam mo yung sakit ng hindi ka napakinggan nung taong mahal mo at akala mo'y iintindi sa sitwasyon? Pero what else can I do, mali nga naman siguro ako, alam kong nasaktan ko siya, ang di ko lang matanggap eh parang ang babaw ng dahilan, ano naman kung kiniss ako ni Pat, hindi naman ako nagkiss back, we're not virgins sa kiss at that time, ang mali ko lang akala ko maiintindihan niya.

Ang hirap naman kasi ng ganito, you'll call each other babe, you'll treat each other like there's really something going on between you two, pero reality check wala pa din pala. Wala pa din naman kayong commitment sa isa't isa, hindi ko alam ang boundary ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Lagi naman kaming magulo, lagi naman kaming hindi sure kung anong namamagitan samin, lagi namang may isang duwag magstep up sa totoong nararamdaman niya, one thing's for sure sa mga panahong ito, we're in a mess na kami din ang may gawa. Mess na kahit kami di naman malinis at maayos.

And as she drove away from me, without looking back, kahit na niluhuran ko na siya, unti unti kong napagtanto at natanggap na masyado akong nagilusyong makocontrol ko ang isang Rhian. She's a total disaster just around a corner and I was so caught up with her that I found myself in the center of the whirlpool, drowning at my own demise. Kaso wala mahal ko eh, tanga ako sa kanya. So kahit malunod ako ng paulit ulit ayos lang.


+++++++


Anong ginagawa niya dito?

Ano pang gusto niyang pagusapan namin?

Bakit parang napakadali sa kanyang sabihing kausapin ko siya?

Ano ko ba siya? Ano ba kami? Wala naman diba? Because she was so 'unsure' about me, about us? Kaya nga siya nangiwan diba? Ano pang binabalik balik niya nagyon?

"Bakit ba kasi siya andito Chyns! Tanginang buhay naman to!"

"Glai, pwede ba kalma? Wala namang may gustong andito siya kaso wala din namang makakapagpaalis sa kanya diba?"

"Eh bakit kelangan niya pang magpakita sakin? Di ko siya maintindihan!" Iritado kong tanong hindi ako makapagdabog dahil nasa sasakyan pa kami

"Bakit apektado ka? Akala ko ba past is past na tayo? Oh eh di dapat wala na diba? The fact that you said, you've already moved on dapat hindi ka na apektado pa ng presensya niya. Maliban nalang Glai kung - -"

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now