No Holds Barred

9.2K 313 79
                                    

"Ben."

"Chynna."

"Pwedeng magusap tayo?"

"Sure. Ano ba yun?"

"What are you planning to do with Glaiza?"

"What do you mean?"

"I know what you're doing, alam kong kaibigan mo si Jason na ex ni Rhian, at malakas ang kutob kong may plano kayong dalawa."

"Wow, for an assistant ang talino mo Chynna. And we're not doing anything, we're just men claiming our proper women."

"Alam ba nilang sa inyo sila? Cause the last time I check, Rhian broke up with Jason, 5 years ago they're friends, at kayo ni Cha wala namang namagitan sa inyo. Ikaw lang yung umaasa."

"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo Chynna."

"Ben alam mo ayos ka naman sana eh kaso nga lang ayaw ng best friend ko sayo, kahit pa makipagtulungan ka pa sa pamilya niya kung ayaw ni Cha ayaw niya alam mo yun. Kilala mo si Glaiza. Kung iniisip mo na kung mawawala si Rhian ulit eh sayo ang bagsak niya, I know, you know na malabong malabo yun. Nakita mo na silang magkasama diba? Nung Blogcon. Do you really think you can come in between the two? Lalo na ngayong magkasama na sila?"

"Glaiza and me, we could've been perfect together."

"How? There's no Glaiza and you to begin with in the first place? She belonged to Rhian right from the start, you are so deep in the friendzone she almost sees you as a brother."

"Bakit ba ikaw ang nagsasalita para kay Glaiza?!"

"Ang akin lang, kung mahal mo talaga si Glaiza wag mo nalang sigurong sayangin yung friendship niyo, yun lang, alam mo Benj, alam na alam mo kung paano nasaktan si Glaiza nung nawala si Rhian, kung talagang mahal mo siya, you'll let her go. Baka init lang ng katawan yan Ben. Wag na si Cha. Yun lang. Best friend ko yun eh."

"You don't know what you're talking about. Kaya pwede manahimik ka nalang?"

+++

"Good Morning." Malambing na bati ko kay Glaiza habang nagluluto siya

"Magandang Umaga binibini." Ngiting bati naman niya kahit hindi humaharap mula sa niluluto.

"Sorry na." Lambing ko sabay yakap sa kanya mula sa likod.

"Ha? Para saan naman?"

"Sa lahat ng nangyari kahapon, I should've been with you..."

"Ayos lang, ikaw talaga. Very sweet lang naman yung selos ko." sagot niya at natawa ako

"Ngayon umaamin ka na nagseselos ka." Biro kong may kasamang halik sa pisngi niya, mabilis namang lumabas ang cute niyang dimple mula sa pagkakangiti.

"There's no point in hiding naman diba?" totoong sagot niya

"Tama ka nga naman. May sinabi sakin si Jason..." simula ko kaso biglang nagring ang phone ko.

"Sagutin mo muna, patapos na din ako dito, kain tayo after."

Sinunod ko naman siya at bumalik sa kwarto upang sagutin ang phone ko. Matapos kausapin ang tumawag ay nagtataka akong bumalik sa dining room.

"Oh sinong tumawag?" Tanong niya habang hinihintay ako sa may dining

"Si Jason..."

"Bakit daw?" taas ng kilay niya

"He wanted to see - -"

"Nanaman?"

"No, he wanted to see us both, may importante daw siyang sasabihin?"

"Ha? Ano naman kaya yun?"

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now