To Nirvana and Back

6.9K 220 33
                                    

"Oh kamusta naman ang pagkanta mo kagabe iha?" natatawang tanong ni mommy

"Paano niyo nalaman?" takang tanong ko, at hindi naman kumikibo ang magaling na si Bianca na akala mo busing busy talaga sa ginagawa niya paghimay ng gourmet tuyo ni mommy.

"Ay nako B, ang daldal."

"Kumusta nga anak? Hindi ka naman kinahiya ni Glaiza pagkatapos?" tuloy na pang-aasar ni mommy

"Mom! Natuwa kaya siya kinilig pa." yabang ko naman

"Yes Tita, kinilig nga po si Glai, di mawala ang ngiti hanggang maguwian kagabe." Sabat naman ni Bianca. Hindi ko naman maitanggi dahil totoo naman ang sabi ni Bianca, kaya parang ewan nalang akong tuloy sa pagkain. Ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Cha

Good Morning Rhian Denise! :)


To: Cha

Good Morning Glaiza! Ang aga mo ata? :P


From: Cha

Ahh oo, andito ako sa Tagaytay may photo shoot. hihi


To: Cha

Ahh okay, ingat ka ha? Wag mo kalimutang kumain.


From: Cha

Oo. Promise. :)


To: Cha

Good. Ahihi may kiss ka sakin pag nakita tayo!


From: Cha

Hala! Gusto ko yan! Nyahaha. Teka lang Rhian Denise ha, start na kami. Laters.


To: Cha

Okay. Laters Cha. :*


"B?"

"Hmm?"

"Padeliver ka naman ng food kay Cha mamayang lunch, nasa Tagaytay eh. Alamin mo nalang kay Chynna kung saan sige na please?"

"Wow naman B, ang lambing pag may kelangan!"

"Sige na please? Hindi mo naman kami matitiis pareho eh, it's either, magugutom si Cha, o Magtatampo ako sayo." Ngiti ko sabay taas ng kilay

"Hay jusko Rhian Denise! Master manipulator! Heto na tatawagan ko na si Chynna."

"Thank you B!"


+++


"Right Tita andito na po ako sa location nila Glai, dinalhan ko po kasi siyang breakfast, okay po salamat po. Ako na pong bahala kay Glaiza. Bye po."

"Ben?" Takang tawag ko kay Benjamin, hindi ko matandaang sinabihan ko siya about sa photo shoot ko today at hindi naman niya dapat alam, pero andito siya ngayon.

"Uy! Hi! Dinalhan kitang breakfast." Ngiting baling nito sakin sabay lahad ng paper bag

"Sa-salamat ha. Pero paano mo nalamang andito ako?"

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now