Almost 6. White lies and Sojourn

8.3K 249 38
                                    

You must give everything to make your life as

beautiful as the dreams that dance in your imagination.

- Roman Payne

+++


"Kelangan ba talagang isang buong linggo kayo sa Baguio Cha? Hindi ba masaydong matagal yun para sa retreat?" Tanong ni nanay ng may taas ng kilay, hindi talaga ako magaling umarte, nakakatakot baka sumablay pa.

"Retreat/team building/sight-seeing po kasi nay, anniversary din nung mismong organization kaya po may katagalan." Paligoy ko

"Basta malaki ka na Cha, alam mo na kung anong mga tama at hindi tamang gawin lalo na't wala kami ng nanay dun." Sabat naman ni tatay na nanonood ng balita, buti nalang talaga parehong nasa duty sila Ate ngayon at si Kuya naman tatahitahimik lang sa isang tabi.

"Yes dad. Alam ko naman po yun, di ko naman po nakakalimutan yung mga paalala niyo." Aktibo kong sagot, sabay balik ng tingin kay nanay na tila math problem ang iniisip at napakatagal magpasya, hanggang sa bumuntong hininga siya

"Oh siya sige ikaw ang bahala, may pera naman ang ATM mo dadagdagan ko nalang. Basta magiingat ka dun bata ka ha?" hindi ko mapigilan ang malapad na ngiting gumuhit saking labi

"Thank you nay! Opo i-aupdate ko naman po kayo lagi. Magaayos na po ako ng gamit ko." Sabi ko sabay yakap ng may lambing kay nanay syempre pa good shot.

"Oh sige dalhan mo kami ng strawberry at orchids pag-uwi mo ha?" pahabol ni nanay habang paakyat ako sa kwarto ko

"Sure nay! Love you!"

Pagpasok ko ng kwarto ay agad ko namang kinuha ang phone ko at tinext si Rhian.

To: MK

Hi love! Okay na pumayag na sila Nanay at Tatay! Buti wala sila ate hindi ako nagisa.

*Sent*

Inilapag ko ang phone ko sabay tumayo sa harapan ng aparador upang planuhin ang mga bagay na dadalin ko ng biglang tumunog naman ito.

From: MK

Hi lubb! Yehey! Buti naman kung ganun. So I'll see you bukas? Kaninong car ang gagamitin natin?

To: MK

Yes love. Kita tayo ng mga 6 am? Yung iyo nalang then sa yups na tayo magkita dun ako papahatid kay kuya, ako nalang magdadrive. :*

*sent*

Oh don't look at me like that alam kong hindi lang ako ang dumaan sa ganitong stage okay? I may have done a little bit of lying so I can spend the whole week with Rhian sa Baguio, with the help of my kuya na gumawa ng waiver, tapos nila Batchi and Sheena na kinasabwat ko na. Well basically it was Rhian's suggestion kasi may rest house sila sa Baguio and 2 weeks naman ang sem-break, pumayag din si Tita Clara at napaayos na lahat ng kelangan namin dun last week pa at kami nalang talaga ang kulang. So can you blame me to do everything by hook or by crook para lang payagan ako? Right exactly I know you understand me. (lol)

From: MK

All right love, I'll see you then, magayos na tayo ng gamit. Ahihihi. I love you. :*

To: MK

Okay labidabs. Nyaahaa. I love you too. ;) :*

*sent*

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now