The Unwanted Side of a Triangle

7.3K 292 71
                                    

Glaiza came to me late last night, crying her heart and balling her eyes out. And it just hurts me to see her like that.

Kagabi ko lang naalalang ang tagal na pala nung huli ko siyang nakitang umiyak, and until now kahit antagal na ganun pa din yung instinct ng katawan, puso at utak ko. Ang kagustuhang protektahan siya, and hearing her tell me that she'll protect me from her family doesn't diminish the calling of protecting her myself.

Alam ko naman kasing kahinaan ni Glaiza din ang pamilya niya, and as much as possible ayoko ng ganito siya sa kanila, kaso si Glaiza na mismo ang nakaalam, at hindi ko na din siya iiwan kahit pa nalaman nilang lahat na bumalik na ako.

"Anak, yung bacon toasted na."

"P-po mom?" tanong ko ng makabalik ang ulirat ko, tama si mommy konti nalang sobrang toasted na yung bacon.

"Kako yung bacon toasted na, bakit ang aga nagluluto ka? Kay Glaiza ba yung isang kotse sa garahe?" tanong naman ni mommy habang inaayos ko yung plates.

"Ahh opo mom, kasi - -" I trailed off.

"Ano Rhian?"

"Nalaman na po ni Glaiza yung totoong nangyari sa mommy at ate niya at sakin dati."

"Kinuwento mo ba?"

"Of course no mom, syempre alam ko namang magagalit siya at maglalayas kung ikukwento ko, kaso narinig niya daw na nag-uusap ang mommy at ate niya kagabe nung di inaasahan na umuwi siya."

"Naku, eh di anong oras na nakarating si Glaiza dito kagabe?"

"Mag-aala una na po ata."

"Anong plano niyo?"

"Hindi ko pa po alam mom, baka magulo pa ang isip ni Cha."

"Basta anak, andito lang ako para sa inyo okay? Kaso dahil ngayon na alam nanaman ng pamilya niya na andito ka na, malamang ikaw nanaman ang kausapin nila lalo na't naglayas itong si Cha."

"Nasa edad naman na po si Cha mom, siguro naman kakayanin na namin pero na harapin yung pamilya niya, okay naman po sakin dati yung Kuya, at Dad niya. Kaso nga lang sobrang kasalungat niyo ni Nadine ang mommy at ate naman niya." Malungkot na tugon ko, agad nama akong nilapitan ni mommy at mahigpit na niyakap.

"Basta andito ako, kami ni Nadine para sayo, at para kay Glaiza okay? Sana nga lang hindi na kayo masaktan pareho. Masyado ng mahaba yung panahon na pinagtiisan niyo para masaktan lang kayo lalo." Sabi ni mom habang hinihimas ang likod ko.

"Sana nga po mom. Ayokong nakikitang nahihirapan si Glaiza."

"At alam kong ganun din si Glaiza sayo. Sige na baka magising na yun, dalhin mo na sa kanya yung niluto mo." Ngiting sabi ni mommy

"Magsanay ka ng maging mabuting asawa." Kindat pa nito, na kinatawa ko naman.

"Mommy, bakit sobrang bait niyo po ano?" iiling iling kong sabi

"Ang sakin lang gusto kong maging tunay na masaya ka na. At alam ko namang kay Glaiza mo yun gustong makuha."

"Sana po lahat ng mommy katulad mo mom, siguro andaming masayang anak sa mundo no?" tango ko naman sa kanya

"Naku! Nambola ka pa, sige na pakainin mo na si Glaiza. Pupunta lang ako kila Nadine." Sabi nito sabay beso sa akin.

"Sige po, ingat kayo mom." Sabi ko naman.

+++

Matapos maihanda ang breakfast namin ni Glaiza, umakyat na ako ulit sa kwarto at sakto namang pagbukas ko ng pinto ay gising na ang aking magandang ninja. Kaso mukang malungkot pa din siya. Nakaupo siya sa kama, yakap ang dalawang binti niya malapit sa dibdib niya at nakapatungo ang ulo niya dun.

The Anatomy of Our AlmostsOn viuen les histories. Descobreix ara