Almost 2. Juliet and Juliet

8K 278 39
                                    

Don't waste your love on somebody,

Who doesn't value it.

- W. Shakespeare

+++

"Laro tayong game, for us to get to know each other well gusto mo?" Biglang sabi sakin ni Rhian, nasa tapat pa din kami ng oble, katatapos lang ng sifter and yung team na kinabibilangan ko ang nanalo, sino ba naman kasing magrireason out about black holes kung hindi gagamitin ang premise ni Mr. Hawking diba? Buti nabasa ko yung book niya. Anyways it's around 9pm and ayaw pa din umuwi ni Rhian sa kanila.

"What kind of game naman? It's getting late di ka ba hahanapin sa inyo?" I asked genuinely concerned pero umiling lang siya habang nakapatong ang ulo niya sa tuhod niya habang ako naka-indian sit.

"Sige na nga let's play your game." I gave up; lumiwanag naman ang mukha niya at humarap sakin ng naka-indian sit din.

"So ang tawag sa game natin ay, Shameless Truths, simple lang siya you'll tell all. Kung anong iseshare mo iseshare ko yung equivalent answer ko and vice versa. Kaso no follow up questions. So kung may gusto kang malaman talaga kelangan may sagot kang ipapalit. Dapat nakakahiya ha?" She explained habang deretchong nakatingin sa mata ko. Ako naman kahit nahihiya at gusto kong iiwas yung mata ko di ko magawa kasi another sign of inferiority nanaman.

Si Rhian kasi ang hilig makipag eye-to-eye, parang wala siyang kelangang itago, sabi niya dun niya daw nababasa yung personality ng isang tao. Sana nga lang di niya nababasa sa mata kong, she's slowly swooning me with her eyes alone.

"Korni ng game mo!" I teased sabay hampas naman niya sa braso ko

"Dali na kasi wag ka ng KJ. Game na! To start since ako nag-aya sakin yung unang ST." Sabi niya habang natawa

"Oh sige na game." I said sitting straighter

"Hmm, a favorite kong Beatle ay si Ringo Starr."

"Yuck kadiri ka para kang si Summer Finn! Nobody loves him!" I exclaimed at natawa naman siya

"Basta cool siya! Ikaw na!"

"Hindi ako fan ng Beatles eh, pero I have a weird fondness kay Elvis Presley." Sabi ko sabay taas baba ng kilay at impersonate ng 'Thank you very much' ni Elvis na sobrang nagpatawa sa kanya.

"Nakakahiya ka ang tanda mo!"

"Well oks na yun kesa naman sa Ringo Starr mo! Na mukhang member ng muppets!"

"Sama mo! Hmm ikaw na next..."

"Ahh... the first time I was able to watch a sexy film was when I was 12, alone sa bahay at nakita ko ang collection ni dad ng 'Philippine penikula'. I got curious eh ayun pawis na pawis akong lumabas ng kwarto, sakto namang labas ko dumating yung Ate ko na nasa highschool that time." I offered para kunyare ang badass ko

"Teka anong penikula? Porn?"

"Sige exception to ah, Penikula is yung mga gawang movies dati like Scorpio Nights na may explicit sex scenes though hindi siya macoconsider ng porn talaga kasi full length film siya and ang directors nila nun yung mga legend ngayon."

"Ahh... Ako... when I was in high school, I got curious kasi yung mga classmate ko ang kikire. Ayun sabay sabay kaming nanood ng porn. Napagalitan pa nga kami sa ingay namin sa CR ng girls. Ayun guidance councilor ang bagsak. Lalo na't from an all girl school, ayun nag freak out ang mga sisters muntik na mapakanta ng I will follow him nung pagbukas ng phone nakafreeze kasi yung video pala di namin na home." Sabay kaming natawa sa kalokohan namin

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now