Behind Close Doors and Dummying

8.3K 298 63
                                    

"Hello Glai?"

"Hi Cess!" Bati ko, sa isa sa mga pinaka creative kong kaibigan.

"Hey so what's up? Ano yung collaboration na gusto mong gawin natin?"

"Eh kasi nabalitaan ko yung sa ruling sa US about same-sex marriage, parang gusto kong magkaroon tayo ng clash ng poetry and photography with the same theme na love wins? Magaling ka dito Cess kaya ikaw yung tinawagan ko." Puro ko naman, ang totoo niyan natuwa talaga ako sa ruling ng US for same-sex marriage hindi ko alam kung bakit pero, parang bilang paghahanda na din sa tamang panahon diba?

"Wow! Okay I like the idea, kaso sinong subjects natin? Pwede ka ba?" alanganing tanong ni Cess, hindi pa kasi niya alam ang kwento namin ni Rhian so baka sa photo shoot na ito malaman na din niya.

"Oo naman! Ako, si Chynna, pati nadin ang mga Halili, tapos may isa pa akong kakausapin, to show support na din diba?"

"Sige I'll prepare my platforms for promotion and all, malay mo diba mapansin ng former mother network mo." Biro ni Cess

"Ikaw talaga, basta update mo ko kung kelan kayo pwede ha?"

"Sure! As soon as possible!"

"Thank you Cess."

"No worries! Bye G." Ngingiti ngiti akong lumabas ng kwarto matapos ang usapan namin ni Cess, pupuntahan ko naman ngayon yung gusto kong maging partner sa shoot.

"Nay alis na ho ako, sa condo na din muna ako uuwi. Dadalhin ko din ho yung isang kotse." Paalam ko kay nanay na nasa sala at nagkakape.

"Si Benjamin?" biglang tanong naman niya

"Bakit ho anong meron sa kanya?" takang tanong ko habang nagsusuot ng paborito kong DMs.

"Kinakamusta ko lang kayong dalawa nagkaayos na ba kayo?" malamang tanong niya, pero imbes na sagutin ang tanong sa likod ng tanong na iyon ay, ipinag-kibit balikat ko nalang.

"Okay naman po kami, we're back to being friends." Sagot ko

"Mabuting tao si Ben anak." Tila nagsasabing anong hindi mo magustuhan sa kanya

"Alam ko naman ho yun nay, hindi lang talaga kami pwede."

"Bakit naman? Matagal na kayong magkaibigan diba?"

"Hindi ho siya ang laman nito." Malumanay kong sagot sabay turo sa parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"At sino naman? Yung babaeng nang-iwan sayo?" akusa niya

"Siguro nga ho, siya pa din..."

"Katangahan yan Glaiza, katangahan yang magmahal ng taong wala naman dito."

"katangahan na ho kung katangahan, pero mas katangahan ang magsettle sa isang bagay kahit hindi mo gusto dahil anjan siya at madaling makuha, kesa sa isang bagay na gustong gusto mo pero nasa malayo. Kahit ano naman ho ang piliin ko pareho lang iyong katangahan. Kaya mas gugustuhin ko na hong maging tanga para kay Rhian, at least siya yung nilalaman ng puso ko." Pangangatwiran ko

"Hindi ka na ba talaga kinikilabutan jan sa mga sinasabi mo Glaiza?" sabi niya sabay taas ng kilay

"Sorry nay, hindi ho, simula't simula hindi naman ho talaga." Sagot ko naman, ng hindi na umimik ang nanay ko ay nagpaalam na ako dito.

"Alis na ho ako. Baka sa sabado o linggo nalang ho ako uuwi." Mabining paalam ko sabay kuha ng backpack ko at labas ng bahay.

"Hello Chynna?"

"Glai san ka?"

"Papunta ako sa bahay nila Yoyon sa Alabang, kila Tita Clara."

"Hala! Mamamanhikan ka na? Bakit hindi ka naman lang nag-aya!?"

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now