A Taste of Freedom and Serenity

7.6K 303 37
                                    

"Uy! Rhian!" Bati ni Chynna ng makita niya akong pumasok sa tatlong palapag na Galura School of Music and Arts.

"Hi Chyns, Si Glai?" Bati ko naman

"Si Glai lang talaga ang ipinunta dito grabe." Pagtatampo naman niya

"Ay sorry. Natutuwa naman akong makita ka ah." Ngiti kong nahihiya

"Mas matutuwa ka nga lang pagnakita mo siya? Lika, sunod ka sakin." Bawi naman niya sabay bukas ng glass door papasok sa isang classroom.

At ng sumunod ako kay Chynna papasok ng room ay narinig ko ang iba't ibang pagtipa ng gitara ng mga bata sa loob ng sabay sabay, at kahit wala pa silang nabubuong kanta ay hindi naman ito masakit sa tenga.

Nunit ang mas nakapukaw ng atensyon ko maliban sa ilan sa mga batang mas maliit pa sa gitara na hawak nila ay iyong magandang babaeng nasa unahan nila ata pinapanood nilang magturo, siguro kahit ako kung siya ang magtuturo sakin ay makukuha ko agad. Natuwa ako sa nakita ko at hindi napigilang mapangiti, ang hindi ko alam habang pinanonood ko si Glaiza ay pinanonood din pala ako ni Chynna sa isang tabi.

"So malakas pa din talaga ang tama mo sa best friend ko?" derechong tanong niya, natawa naman kaming pareho habang nakatingin kay Glaiza, na napansin na ako at sumenyas na hintayin ko siya, ngumiti ako at tumango.

"Wala namang nagbago, parang ewan nga eh."

"Pansin ko naman. Mahal mo talaga eh no?" Pangungulit niya, at hindi ko na mapigilan ang pamumula ng pisngi ko

"Hanggang ngayon." Pag-amin ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mata kong ngumisi at napailing

"Ay teka, may lunch na ba kayo? Mag 12 na oh?" dagdag ko

"Ahh wala pa nga eh..."

"Sige bili lang ako jan sa tapat." Prisinta ko, sabay labas ng classroom dahil masyado na atang mapula ang mukha dahil kakaiba na ang ngiti ni Chynna.

+++

"Oh asan si yon?"

"Umuwi na eh, antagal mo daw?" seryosong tono ni Chynna

"Huh? Seryoso ka?" kunot ng noo ko kay Chynna

"Bakit siya umalis? Sabi niya hihintayin niya ako ah?" maktol ko naman

"Sinong umalis? Hihintayin nga kita diba?" biglang pasok naman ni Rhian mula sa entrance ng studio dala dala ang mga paper bag galing sa isang restaurant sa malapit.

"Ayan si Cha, nagmamaktol na kasi umalis ka." Sumbong ni Chynna

"Hala nagmamaktol ang ninja?" ngiting ngiti naman na sabi ni Rhian, sa boses na parang naglalambing sa bata

"Eh kasi sabi ni Chynna, umuwi ka na daw at natagalan ka sakin." Simangot ko

"Sus, mas matagal pa nga ang pitong taon sa forty-give minutes, wag kang maniwala jan kay Chynna." Alo naman ni Rhian sakin sabay marahang pisil sa pisngi ko

"Nako kayong dalawa! Kumain na tayo, libre to huy!" sabat nanaman ni Chynna, na kinatawa ni Rhian

"Alam mo basta pagkain talaga di pa din nagbabago itong si Chyns." Kumento ni Rhian

"Sinabi mo pa, salamat pala sa lunch." Ngiti ko sa kanya

"Sus parang lunch lang? Ano pang kelangan at gusto mo? Ibibigay ko?" bida naman ni Rhian

"Nako binibini, ikaw lang sapat na." balik ko naman sa kanya at napangiti nanaman kaming parang ewan.

"Ang jeje mo Cha jusko, kumain ka na nga lang." reklamo ni Chynna na mabilis pa sa alas-kwatrong naihanda ang mga pagkaing binili ni Rhian.

The Anatomy of Our AlmostsWhere stories live. Discover now