Prolouge

112 4 4
                                    


This is my first story and please bear with me. Madami pong typos and grammatical errors. Please don't forget to vote and comment 😘😘😘😘

Let me tell you one of the saddest story of Janine a.k.a Krispy. Yes. Krispy. She loved this guy as much as he can imagine.

Pero hindi lahat ng love stories are 'Happy Ending', hindi lahat ng love stories are 'Happy Ever After'. Madami ng nangyaring hindi kaaya-aya sa buhay ni Janine and yet, bumangon siya, pinunasan ang luha at ngumiti ulit.

Hindi porquet mahal niyo na ang isa't isa, pwede na kayong magsama. No. Hindi ganun kadali ang buhay pag-ibig. Madami kayong kalaban. Gaya sa mga nababasa, naririnig at napapanood na mga love stories,madaming kontrabida, madaming hahadlang, madaming sisira.

Alam mo ba kung bakit may mga ganitong conflicts? Kasi dito niyo lang mapapatunayan na kayo talaga. Dito niyo mapapatunayan kung kaya niyong ipaglaban ang isa't isa ng hindi bumibitaw. And, boring din naman kung walang kontrabida sa mga stories di ba?

Walang 'perfect love story', lahat komplikado. May iiyak, may masasaktan, may magagalit, may magpapatawad, may mga nanglilimot, may bumabalewala at binabalewala, at may iba namang gumaganti.

Alam mo kung bakit may mga taong ganun? Kasi, yun ang akala nilang tama at yun ang alam nilang nagpapabawas sa sakit na dulot ng sawing pag-iibigan. Nakakainis minsang isipin kung bakit ganun ang nangyari. Bakit kung sino pa yung mahal na mahal mo, yun pa yung nilalayo sayo? bakit hindi nalang yung mga taong hindi mo gusto?

Parang nilalaro ka ng kung ano. Tadhana?. Kung iimaginin, para kang isang character sa libro na kasalukuyang sinusulat ng isang manunulat. Na kapag may hindi siya nagustuhan sa kwentong sinusulat niya, iniiba niya, o kaya binubura niya yung mga events, siguro yun yung time na nagiging complicated ang story, may mga nagcoconfess bigla o kaya naman may biglang nag-iba sa feelings na nararamdaman sa isang character sa isa pang character.

Pero may darating na hindi inaasahan, kagaya sa mga common love stories, may mga sikretong nabubunyag.

Hay! basta magulo! Lahat yan, naranasan ni Janine and it all started one night- 19th of December Year 2014

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now