I'm definitely a GIRL

80 3 0
                                    

"Ma! may ka-edad ba ako dun o puro matatanda ang pupunta?" tanong ko kay Mama habang nagsusuklay sa harap ng salamin.

"family syempre, Christmas party nga eh" sagot naman ni Mama bitbit ang sandals niya pababa ng hagdan. Nanay ko nga talaga to, sa kanya ko namana mambarag eh.

"baka naman wala akong ka-edad dun, o puro mas bata sa akin" dagdag ko.

"edi alagaan mo yung mga anak ni Tita Lhen mo, magbabysitter ka muna" rinig ko na sagot ni Mama mula sa baba. Ba't tignan mo! gagawin pa akong yaya! buti sana kung merong sir Chief :D

"ginawa pa tagala akong babysitter ganun?" sabi ko habang pababa ng hagdan.

Pababa ako ng hagdan suot ang 4 inches na wedge sandals ko. Hindi naman ako sanay magsuot ng matataas na sapatos pero kaya kong ilakad, hindi ko alam kung saan ko napulot yung talent ko na yun (etchos! hahaha talent na pala yung paglakad ng heels), siguro dahil sa pagsali ko ng isang pageant nung high school ako.

Actually, napilitan lang, wala na kasing ibang makapal ang mukha bukod sa akin. Hindi naman ako dati nagsususuot ng mga pambabaeng gamit, one of the boys ako dati, laki ako na kasama lahat halos lalaki, mga pinsan ko at mga Tito ko, kahit mga kaibigan ko halos lahat lalaki, meron namang babae pero pati sila, mga one of the boys din. Minsan sa buhay ko, napagkamalan din akong tomboy. Kung titignan mo kasi kung paano ako magsuot dati, aakalain mo talagang tomboy ako.

Simple lang naman ang suot ko ngayon, blue top, black jeans, 4 inches wedge at nakalugay ang buhok, may konting make-up na nilagay para naman magmukha akong tao.

Kapag sa ibang party or get together, nag-aayos naman ako, and most of the time, naka-dress, pero ngayon, hindi ko alam kung magdedress ba ako o jeans.

Napagdesisyunan ko na magknee-high socks nalang kasi hindi ko naman alam kung simple lang sila magsuot o mga bonggalicious!. Bumalik ako sa kwarto ko sa taas dahil nakalimutan ko yung bag ko. Kinuha ko yung bag ko sa ibabaw ng kama at napahinto sa harap ng salamain. Syempre! nasa harap niyo ngayon ang Dakilang Vain!

"Nin! wala ka bang balak bumaba? kanina ka pa jan! iiwan ka na namin!" sigaw ni Mama mula sa baba habang papalabas ng bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nin! wala ka bang balak bumaba? kanina ka pa jan! iiwan ka na namin!" sigaw ni Mama mula sa baba habang papalabas ng bahay. Ang mga alaga ni mama, nagwawala na siguro sa tiyan niya.

"pababa na po!" sigaw ko habang nakaharap pa rin sa salamin.

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at lumabas ng pinto, naghahantay naman si Mama sa harap ng pintuan para i-lock ang pinto. Una nang nakalabas si Papa, pagkalabas ko ng pintuan, nakita kong nagrereverse na ng sasakyan si Papa.

Sumakay kaming dalawa ni Mama. Sa passenger seat si Mama at syempre, sa likod ako, alangan naman sa labas!, ano to? jeep? tricy ganun?.

 Sa passenger seat si Mama at syempre, sa likod ako, alangan naman sa labas!, ano to? jeep? tricy ganun?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umalis na kami ng bahay, habang nasa daan nilabas ko yung headphone at phone ko. Sinalpak ko sa dalawang tenga ko yung headphone at plinay ko yung song ni Donnalyn Bartolome at Shehyee na 'Huwag Siya', nilakasan ko yung volume hanggang hindi ko na marinig yung usapan nila Mama.

Ganun lang naman routine ko sa tuwing lalabas kami. Hindi sa hindi ko gustong makipagsocialise sa parents ko, hindi ko lang talaga trip yung pinag-uusapan nila. If my Dad needs something or asking me something at alam niyang nakasalpak yung headphone sa tenga ko, kakaway lang sya sa mirror o kaya naman bigla niyang ibe-break yung sasakyan kaya maaalarma ako kung anong nangyayari. Matalino ang tatay ko, sa kanya ko namana yung pagiging wise ko. Sa kanya kasi, lahat may paraan.

Nakatingin lang ako sa labas, kahit wala naman akong nakikita masyado kasi madilim na. Quarter past 7 na kasi at sa kasamaang palad, yung alaga ko sa tiyan, nagwawala na. Hindi pa kasi kami kumain ng dinner, syempre may party kaya hinintay na namin. Huling kain ko pa is around 11 ng umaga kaya pagkain na ang nakikita ko.

I wonder kung meron akong magiging friend sa party mamaya. Naisip ko, friendly naman ako kahit papano, well depende kung sino at kung pano makitungo yung tao sa akin. If bitchy sila, mas bitch naman ako -ako kasi ang queen bitch, mukang inosente pero may tinatagong katarantadahan-, pero kung malaanghel, well sabihin nalang nating mabait ako haha. Iniisip ko kung pano ako magpapakilala.

Im Janine Chandrea Evans. 16. Daughter of Mr. Edward (Nashvillian) and Mrs. Lyn (Filipina) Evans, and I'm in last year of high school. Well, dapat nasa first year colllege na pero hindi kasi kaya ng powers ko yung GCSE (General Certificate of Secondary Education) examination kaya I prefer to back one year of my high school than fail in college.

May straight, black, long hair ako, typical Asian hair style. Nakasanayan ko ng mahaba ang buhok ko, hindi ko kasi gusto ang maigsing buhok, muka akong lampaso kapag maigsi ang buhok ko or worst, kamuka ko si Dora the Explorer . I have dark brown eyes na nakuha ko sa mama ko. Hindi naman ako katangkaran 5'2 lang naman ako. Hindi ako mapayat at hindi din gaanong mataba, I have chubby chicks and dimples (which is my assets) karamtaman lang ang katawan ko. Morena ako, kahit may lahi akong Nashvillian, mas nakuha ko pa din ang pagiging pinoy ko.

Mahilig ako sa arts and music. Buhay ko na yung brush, paint, paper and pencil. Kung pwede lang silang pakasalan, siguro we're celebrating our gold wedding anniversary. I can play guitar, ukulele and drums, pero hindi ko masasabing magaling ako dun. I like music as I like arts. Kahit saan dapat may music, kahit pa nasa banyo ako. I also dance. Folkdance, modern or ballroom. Halos lahat na ata ng sayaw, nasubukan ko na except 'sexy dancing'! no way I'm gonna do that, kahit pa bayaran ako ng milyones, pero depende kung sa harap ng Daniel Radcliffe hihihi.

I'm a Hello Kitty collector, mejo pambata pero I don't care. Basta gusto yun. Since I laid my eyes on a Hello Kitty stuff, na-inlove na ako. Love at first sight ko siya. And hindi mo aakalain na ang favourite colour ko ay Black. Yes. Black. Actually, black and white. Gusto ko kasi yung combination, and lahat kasi ng colour ay pwedeng i-combine sa black. Madaldal din ako pero mahiyain at the same time. Madaldal ako kapag trip ko yung kausap ko o nasa mood akong makipag-usap pero may tinatago din akong hiya, pero kadalasan, wala akong hiya. Mejo weird pero ayos lang. Madam--

Napahinto ako sa pagmomonologue ko nang mapansin kong lumiko kami sa isang market store.Costco.

"why are we going in Costco? do we need to buy somethin'? Is the party in here?" sunud-sunod na tanong ko habang tinatanggal yung headphone sa magkabilang tenga ko.

"yes" maikling sagot naman ni Papa.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N :  Si Janine Chandria Evans po yung nasa picture



Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now