Friend Request

34 3 0
                                    

Ilang linggo na rin simula nung makilala ko sila ate Ica, ate Mine, ate Mina, Tina, Kuya Gian,Kuya Ivan, Carlo, Ryan, Ghil at Andrew sa party. New Year na din. In-add lang nila ako sa Facebook. 

Si Ghil ang unang nakahanap ng Facebook account ko dahil siya ang unang nag friend request sa akin. At dahil friends na kami sa fb ni Ghil, nagsi-friend request na din silang lahat. Syempre dahil maganda ako, I mean friendly, in-accept ko agad. 

Doon ko lang napagtanto na kaya pala familiar ang muka ni Ryan sa akin ay dahil nakita ko na siya dati. You know kung saan? Sa barrio fiesta na ginanap sa Chesport. Isang city town dito sa Nashville. Barrio fiesta ay isang event na nagsasama sama ang mga pilipino na nakatira sa Nashville. Parang isang fiesta ang dating. Nagbebenta ng mga gamit galing pinas. Souvenirs, pagkain at may mga advertisements for 'balikbayan boxes', may program at rides. Anyway, yun nga, si Ryan pala ay yung lalaking tinataguan ng bestfriend ko nung barrio fiesta.

Yes, may bestfriend ako. Her name is Leigh Cassandra Smith. Kabaligtaran ko siya sa physical appearance. May shoulder length siyang kulay brunette na buhok, katamtaman ang tangkad mga 5'3, maputi, sexy at maingay. Yes, mas maingay pa sa akin. 

Typical Nashvillian look. Mahilig din siyang sumayaw. Modern dance. Kasali din siya sa isang volleyball team at magaling sa music. Mahilig siyang kumanta at magguitar. Ako kasi marunong lang, hindi magaling.

oo na! tinalo na na'ko ng bruhang to. pero kahit nakakainsecure and babaeng to, mahal na mahal ko to. Kaya siguro kami naging magbestfriends dahil topakin din siya tulad ko. Talagang nagkakasundo kami. Trip namin lahat basta magkasama kami. Kami yung kapag masaya, nagwawala sa saya, kapag kinikilig, kawawa ang isa sa kakahampas, kapag galit, walang umiimik, kailangan lang dapat may dalang pagkain, kapag takot, mabibingi ang lahat sa kakasigaw namin, kapag emotional, nako... magdala ka ng isang karton na tissue. Dahil nung nanood kami ng movie na 'If I Stay' sa sinehan, sa loob umiyak kami, sa toilet pagkatapos ng movie, umiiyak pa din, sa labas ng sinehan, iyak pa din, sa loob ng taxi, jusko! walang patawad! iyak pa din! pano naman kasi, nakaka-iyak naman kasi talaga yun. Watch nyo din! Ganda promise!

--Throwback--

Naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa field na ginanapan noon ng Barrio Fiesta. Bumibili lang kami ng mga souvenirs nang mapansin kong nagtatago sa likod ko si Leigh. Parang timang ang bruha! 

Tinanong ko kung sino yung tinataguan nya dahil halata naman na may tinataguan siya. Ang sinabi nya lang sa akin "iwasan mo yung naka-red na pants ha, kapag nakita mo sabihin mo sa akin". Aba, tignan mo to, ginawa pa akong spy netong bruhang to! sa ganda kong to? 

Hayy. So ayun nga, hinahanap ko yung naka-red na pants at sinasabi ko kay Leigh kung nasan sila at mag-iiba naman kami ng daan. Busy kami sa kakabili ng mga pagkain galing pinas ng bigla akong hinatak ni Leigh. Nagulat ako ng makita kong nasa harap na namin yung lalaking iniiwasan nya. 

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now