Overnight

16 3 0
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE! KEEP READING!

Thanks <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Trixy's POV

"Andie, tignan mo ba yang nangyayari kay Nin? muntanga na oh!" bulong ko kay Andie ng mapansin kong nakangiti si Nin sa isang guitar pick!

"hwaahh malay ko jan" sagot naman ni Andie na naghihikab na.

Nasa loob kasi kami ng taxi ngayon. Pauwi na kami sa bahay nila Nin. Doon kami matutulog. Why? Wala lang, tinatamad na kami umuwi e, sayang pamasahe. Namumulubi na kami ngayon. Layo pa ng bahay naming apat.

Oo. apat lang kaming nakasakay sa taxi. Ako, si Nin, si Leigh at si Andie. Yung ate ko? hahaha Ayun! pinarusahan ko. Pinahatid ko kay Kuya Ivan hihihi. Feeling ko kasi magkakasundo sila eh, feeling ko lang naman haha. :D

Gustong gusto ko kasing naiinis ang ate ko, ganun ko siya kamahal. Ako kasi talaga, sutil.

Paano namin siya napapayag? well, madali lang naman. Iniwan namin siya. Wahahaha!

"Pst. Leigh. Anong meron kay Nin?" tanong ko naman kay Leigh na nakatingin lang sa labas ng bintana ng Taxi.

wala naman akong mapapala kay Andie eh, puro naman lalaki laman ng utak nyan. tss. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa naging kaibigan yan. Hindi lang pala siya, pati na rin tong si Leigh, at mas lalo naman tong malditang to na nasa tabi kong mukang tanga!

"kinikilig yan" maikling sagot ni Leigh sa akin na talaga nga namang nagpagulat samin ni Andie. Alam ko inaantok si Andie pero nung marinig nya yung sinabi ni Leigh, napabalikwas siya.

Sabay sabay naming nilingon si Nin na ganun pa din ang pwesto. Hawak ang guitar pick at malaki ang ngiti. Muntanga nya grabe -_-

Something's wrong with her.

"ehem, Nin? pwede ba? kahit anong ngiti mo jan sa pick na yan, hindi ngingiti sayo yan pabalik kaya umayos ka. Muka kang TANGA!" pagsaway ko sa kanya. Naiirita ako e, muka siyang timang, ngayon lang nakahawak ng pick? ganern!?

"galing kay Drew to, binigay nya sakin" nakangiting sagot nya.

Wait! WHAT!?

Hindi ako nagulat dahil sa sinabi nyang binigay yun ni Drew, alam ko yun dahil nakita namin kung pano nya yun binigay kanina. Nakakatawa nga eh, muntanga yung isa. Ang epic!

Pero ang kinakagulat ko ay yung hindi siya nagtaray sa akin nang tawagin ko siyang TANGA. Ayaw na ayaw niyang tinatawag na bobita o stupid o tanga e. Kahit sino pa yung tao kapag tinawag siya sa mga nabanggit ko, talagang mapapatay ka nya. OA ko pero halos mapatay ka.

Tinititigan ko lang siya ngayon.

There's really something wrong with her.

Roxy's POV

"Peste! Kailangan talaga iwan ako dito! urgh!" inis na inis ako sa apat na yun! Napapapadyak nalang ako sa inis. Nasa harap ako ng Pub dahil binalikan ko yung phone ni Leigh sa table namin pero yun pala, nasa kanya talaga.

Narinig ko nalang yung sigaw ni Trixy kay Ivan nung paalis na sila na kung pwede ay ihatid nya ako dahil ang tagal ko daw kunin yung phone. Tumatakbo daw ang metro ng taxi! Letche pala siya eh, wala naman talagang naiwan, iniinis lang talaga nila ako, pwes, naiinis talaga ako ngayon >_<

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now