Best Friend's always

20 3 0
                                    

Leigh's POV

Hello people! I'm Leigh Cassandra Smith. Kilala nyo ako as Janine's best friend. Nakwento naman na nya siguro ako sa inyo. Maganda, talented, clever and maganda ulit hihihi. Kayo naman, kaya nga kami naging magbest friends ni janine kasi maganda kami. 

Nagkakilala kami sa isang overnight ng common friend. Nauna siyang dumating sa bahay ng friend namin. Alam nyo ba guys? Lahat ng kakaiba sa paningin ko noon sa bahay ng friend namin, nauna na nya palang napansin. Nagtataka nga silang lahat bakit lahat ng na-notice ni Janine ay na-notice ko din? oh diba? may connection? Like sabi daw nya nung hindi pa ako dumating, "bakit nawala yung cabinet nyo dito? bakit pinalitan nyo?" at ako naman "ang ganda ng cabinet nyo ha, bago?". Kapal din ng muka namin magbest friend no? hahaha. well, ganun talaga ang magaganda.

Simula noon, naging best friends na kami, magkasundo kasi kami sa lahat ng bagay. AS IN LAHAT! Nakakatuwa nga kasi may nakilala pa akong kasing baliw ko. Masaya siyang kasama, mahilig siyang kumant, pareho kami. Minsan nga nagrerecord kaming dalawa ng kanta, at josmiyo! nakakailang shots kami bago namin mabuo yung kanta, paano naman kasi, kung hindi ako yung natatawa, siya yung natatawa o kaya nagkakamali kaming dalawa. Mahilig din siyang magdrawing, nako artist yan! kung saan saan nagvavandalise.

Sarap minsan katusin kasi kahit tissue sa Mcdonalds, hindi pinatawad! Libangan kasi nya yun. Magaling talaga siya sa arts, painting, sketching, collage at kung ano ano pa. Kulang na nga lang pakasalan nya yung paint brush eh. Mahilig din siyang magluto. Yun naman ang gustong gusto ko sa kanya. Syempre muka akong pagkain. Magandang pagkain hahaha. Kahit anong ipaluto mo sa kanya lulutuin nya, at ang sarap sarap! kaya nga kapag nasa bahay nila ako, pinagluluto nya ako basta behave ako sa kusina. Hindi pa kasi nya naluluto yung ingredients pero nakain ko na kaya nagagalit sa akin.

Kanina, kina-usap ako ni nanay na wag ko pagamitin si janine ng internet. Mejo nakonsensya ako dahil sabi ko 'opo' pero alam kong hindi ko matitiis si janine. Umakyat ako sa kwarto ni Nin para kamustahin siya. Alam kong malungkot yun ngayon. Hindi naman siya masyadong gumagamit ng phone pero kailangan nya ng internet. Meron kasi siyang 'secret blog' na kahit na ako ay hindi ko alam ang website. Mahilig kasi siyang magsulat ng diary at ginawa nya yun at anonymous ang blog nya. Araw araw siyang nagsusulat nun at ngayon, yun ang prinoproblema nya.

"Nin?" tanong ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto nya.

"op?"

"ok ka lang ba?"

"oo naman. maganda pa rin" sagot nya. Tignan mo naman tong babaeng to, seryoso ako nagtatanong pero kawalangyaan lang ang sinasagot nya sa akin. buset.

"gaga, hindi ka maganda. wag kang asumera jan" pambabara ko.

Meron akong emergency phone. Binili ko to para kapag nawala ang phone ko, may pamalit ako agad. JOKE! hindi ko naman wawalain phone ko no! sa aming dalawa ni Janine, ako ang mamamatay ng walang phone sa kamay sa loob ng isang oras. Kaya ko lang naman binili to ay para reserba ko kapag nagrounded ako at kunin ng parents ko yung phone ko. Syempre hindi alam ng parents ko, kami lang ni Janine ang may alam. Actually si Janine ang naka-isip nito. Well syempre dahil masunurin ako, ginawa ko yung napaka bright niyang ideya, but this time, i think hindi naman ako ang makikinabang ng binili kong phone, kundi siya. 

"oh madam! dahil mabait ako sayo, kunin mo muna yan." Hinagis ko sa kanya yung phone na binili ko. Samsung galaxy S4 yung binili ko, pareho sa phone ko. Hindi naman ako mayaman, may pera lang. 

Nagulat siya sa ginawa ko.

"pucha naman Leigh! bat mo binato!? kung hindi ko nasalo edi wala na akong gagamitin!? utak mo nasan!? sigaw nya sa akin. Well tama nga naman, bat ko nga ba kasi binato? :D Eh sa trip ko ba! pake nyo?

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now