Train

22 4 2
                                    

Janine's POV

"Boo, hindi ka pa ba uuwi? Gusto mong sumama sa amin? Pupunta kami sa Pub ngayon" sabi ni Andie  habang nasa labas kami ng school. Kalalabas lang kasi namin dahil uwian na. Hindi na kami sumabay sa school bus.

"Next time nalang, susunduin daw ako ni Drew ngayon e" sagot ko.

Nagkatinginan ang tatlong mga kaibigan ko. Parang kung anong merong nakakatawa at sabay sabay silang ngumiti ng nakakaloko.

"Oh?" nakataas ang kilay kong sabi.

"may sundo sundo ng nalalaman yang si Drew ha, nanliligaw na ba best?" mapang-asar na tanong ni Leigh sa akin.

"etchusera, kapag sinundo ligaw agad?" depensa ko.

"one of the ways te! manhid to" diin ni Trixy.

"oo nga boo, baka naman hindi mo lang napapansin" dagdag pa ni Andie.

"best, ano na?" ulit pa ni Leigh.

Tinitigtignan nila ako ngayon na para bang kriminal na kailangan umamin sa kasalanan.

Napaisip ako sa tanong nilang tatlo. Bakit nga ba ako sinusundo ni Drew? Bakit din nya ako binigyan ni guitar pick na may pasadyang pangalan ko pa? Bakit tinawag nya din akong 'beb'? at higit sa lahat, bakit ang sweet nya sa akin? Nanliligaw nga ba sya? pero hindi, imposible. Ang bilis naman nyang magkagusto. At wala naman akong natatandaan na nagtanong siya sa akin. Kaya hindi, hindi sya nanliligaw.

"hindi" maikling sagot ko.

"ano? anong hindi?" tanong ni Trixy.

"hindi, as in hindi sya nanliligaw o hindi, as in hindi kami nagkakamali?" maintrigang tanong ni Leigh.

"Hindi nga, hindi siya nanliligaw ano ba" inis kong sabi.

"sinabi nya bang hindi sya manliligaw?" tanong ni Andie.

"hindi nga! umalis na nga kayo! Kainis!" inis kong sagot.

"baka hindi PA ngayon" sabi ni Trixy at diniinan ang salitang PA.

Itinulak ko sila isa isa palabas ng gate. Nakakainis eh. Kung ano anong tinatanong e hindi naman kasi talaga.

"alis na nga kayo!" sigaw ko habang tinutulak sila.

"hahaha, guilty! oo na aalis na nga oh!" sabi ni Leigh na tawa ng tawa. Yung dalawa naman ay binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti.

Ano bang meron sa tatlong yun? e sa hindi nga talaga siya nanliligaw eh.

Naglakad na sila palayo sa akin. Buti nalang at umalis na sila. Ang iingay eh. Sampung minuto na ako naghihhintay kay Drew dito.

"ang tagal naman nun" naiinip kong sabi sa sarili ko.

"may hinahantay ka?" muntik na akong mapaupo sa gulat ng may nagsalita sa tapat ng tenga ko.

"ano b---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko siya.

"sorry late ako, traffic kasi eh" nakangiting sabi nya.

"ok lang Drew, tara, hatid mo na ako sa bahay" sabi ko.

"uhm, Janine, may pupuntahan tayo ha" sabi nya sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin.

"saan ba?"

"basta sama ka nalang, pwede?" hindi pa din siya makatingin sa akin. San ba kami pupunta neto? hayys, pagbigyan na nga lang. At least kahit ngayon lang makakapagrelax na ako.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now