"you said so"

13 3 0
                                    

Janine's POV

"ang sakit na ng brain koooo huhuhu!" pagrereklamo ni Andie. 

Nandito kasi kami ngayon sa library. Tinutulungan ko silang magreview dahil simula na ng exam ngayon. Ilang oras nalang ay papasok na kami sa hall at magte-take na ng exam. Mga tatlong subjects ngayong araw, tag-dalawang oras.

"yan kasi! inom pa more!" sabi ko.

Eto kasing mga to, uminom pa kagabi, alam na nga lang na may exam pa ngayon. Parang walang pakialam sa mga futures, sumbong ko kayo tong mga to sa parents nila hehe.

"its not that we drunk alco-holy last night, mahirap lang talaga tong lintek na math!" nagdadabog na sabi ni Leigh.

"Nin. please naman, tama na yan. Kami na nahihirapan sayo e, buong gabi ka na nagrereview tapos ilang oras nalang exam na, hindi pa ba puno yang utak mo? ako, memory full na. Yung kay Andie siguradong wala, kung baga sa memory card, 2kb palang ang laman" pang-aasar ni Trixy.

"hahaha true" pagsang-ayon ko naman.

"ay grabe siya oh!" sabi ni Andie sabay irap.

"hay nako, kung ayaw nyo magreview, ako nalang, wag lang kayong magulo kung ayaw nyong mabulyawan" pagbabanta ko. 

Pinagpatuloy ko lang ang pagsosolve ng problems sa math sheet na binigay ng teacher ko. Ayaw ko lang magchill chill ngayon dahil ang laki ng nakasalalay sa exams na to. Kung pwede lang talagang ipasok ko lahat ng solutions and answers sa utak ko, baka ngayon tulog na din ako kagaya ng mga bruhang nasa harap ko.

Kung iniisip nyo po kung anong itsura nilang tatlo, well I'll describe it for you.

Si Leigh, nakayuko sa ibabaw ng lamesa. May nakapatong na libro sa tuktok ng ulo nya. Matino po ang pagkakatulog nya.

Si Trixy naman ay nakasandal ang ulo sa likod ng upuan, actually couch kasi kaya komportable siya, hindi mangangawit. May hawak na libro at ballpen pero nakapikit na. Mejo matino din ang pwesto nya, hindi kagaya nung isa.

Si Andie na sumalampak na sa sahig. Pinagpatong patong ang makakapal na libro at ginawang unan. Nakataas ang isang paa sa upuan ko at aba! ang lola nyo! humihilik pa! -___- Hindi na nahiya to.

"pst, anong nangyari sa mga kaibigan mo? tulog ba yang mga yan?" nagulat ako sa nagsalita.

"hindi. Nagluluto sila. Ayan oh nakapikit" sarkastiko kong sagot. Grabe ang muntanga, kitang nakapikit at naghihilik tapos tatanungin sa akin kung natutulog ba sila.

"sabi ko nga natutulog sila" sabi ni Raf at umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" inis kong tanong sa kanya at tinaasan ko pa ng kilay.

"naliligo, eto oh, upuan" nakangisi nyang sagot.

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero okay lang sa akin na nandito tong ugok na to sa table ko. Hindi naman ako nagpapa-upo ng ibang tao dito liban sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman friend to pero ayos lang sa akin.

Minsan siguro kailangan ko na talagang maging friendly sa mga strangers. Nakakasawa na kasi tong mga muka ng tatlong baliw na natutulog. Siguro it's time for me to open another spot for my list of friends.

Male friend.

Meron naman akong male friends but I don't always see them.

"Janine" tawag ni Raf sa akin.

"hmm?"

"I think kailangan mo nang gisingin yang mga kaibigan mo, 20 minutes nalang kailangan na natin pumunta sa exam hall" sabi ni Raf.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now