Stop Staring! (part 2)

47 3 0
                                    

Nasa tabi ko si Papa sumunod si Mama, nasa harapan naman namin si tita Lhen at tito Angelo--asawa ni tita Lhen-- at mga anak nila na sina Jade,Chlone at Chalsea. Tinatanggal ko yung balat ng onion rings at binibigay ko kay Papa yung onion.

Ayaw ko ng onions, nakakasuka yung lasa lalo na kung solo mong kakainin. Susubo na sana ako ng mapansin kong nakatingin sa akin si Andrew na galing sa bar at nakahawak ng dalawang basong coke. Yumuko ako ng ka-onti dahil sa kahiyaang ibukas ng todong todo ang bibig ko sa kagutuman.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya ng masubo ko yung balat ng onion rings at nakita kong nakatingin pa din siya sa akin. Ilang segundo din kami nagkatinginan. Natapos na akong kumain at sa loob ng oras na kumakain kami, napapasulyap ako sa table nila dahil gusto kong malaman kung nakatingin pa din siya sa akin. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, ako naman tong panay ang titig sa kanya, minamasdan ko kung paano siya kumain at kung paano siya tumawa. Parang nag-i-slow motion yung paligid ko kapag nakikita kong tumatawa siya.

Ay te! kaloka ka! wag ganyan! ano to? stalker ka na? at ewan ko sayo kung bakit hindi mo maalis yang mga mata mo sa kanya! gusto mo no? Love at first sight na te? Aysus! itigil mo yan! matatamaan ka sa akin! kalokang bata to. Nay oh! lumalandi tong anak mo!

Kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya, mabilis kong inaalis yung mga titig ko at nagkukunwaring nakatingin ako sa ibang tao o kaya naman sa bar na nasa likuran niya, pero kadalasan nahuhuli niya ako at ngumingiti siya sa akin. Nagtawag sila ng games matapos kumain. Naglaro yung mga mag-aasawa ng isang game na yung mga lalaki ay nakaupo at may saging na nakaipit sa bandang ibaba nila at yung mga asawa nila ay paunahang kumain ng saging. Nagtawanan ang lahat dahil na din sa posisyon ng mga naglalaro. Naglabasan kami ng mga phones at cameras para kuhanan yung mga naglalaro. Sumunod naman ay naglaro ang mga bata ng 'trip to Jerusalem'. Yung isang nanay naman ang nakahawak ng microphone at tinawag lahat ng teens, at ako?, syempre stay put lang sa upuan ko, nagtatago sa gilid ni Papa. Hindi naman sa ayaw ko ng games, (kung hindi lang dahil sa bago ako dito, baka ako pa nangunguna sa paglalaro ng games) hindi ko lang talaga feel maglaro kung hindi ako kumportable sa mga nasa paligid ko at para na rin hindi ako mapansin nila ate Ica.

Naglaro sila ng stop dance, nagtanggalan na sila at ang nahuli nalang ay si Ryan at Andrew. Hinanda ko ulit yung phone ko para kuhanan sila ng video habang sumasayaw. Nakita ko sa gilid na nagbubulungan sila Ghil at kuya Gian. Nagpatugtog yung DJ at sumayaw sila, at nung huminto yung music, huminto din sila, si Ryan, nakataas ang kamay at si Andrew naman at nakataas din ang kamay pero hanggang dibdib niya at mejo nakatingala, nakita kong lumapit sila kuya Gian at Ghil kay Andrew na may hawak na phone. Pumwesto sila, pinagitnaan nila si Andrew at tinaas ni kuya Gian yung kamay niya na may hawak na phone at nagSelfie. Nagtawanan ang lahat sa ginagawa nung dalawa. Natawa naman si Ryan kaya gumalaw siya. Nanalo si Andrew. Nagsayawan na ang lahat sa stage ng matapos ang mga games.

Sumenyas si Tina sa akin na umupo sa mga upuan na malapit sa DJ. Tumayo ako at nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at nagkwentuhan kami. Nakita kami ni Kuya Gian at umupo siya tabi ko. Nasa right side ko si Kuya Gian at nasa left side ko naman si Tina.

"Hi janine" bati ni kuya Gian na nakatingin sa akin.

"Hello Kuya"

"enjoy ka naman dito?"

"uhm oo naman, nakakatawa nga kayo e, mga loko loko din pala kayo "

"haha, hindi naman masyado"

"may boyfriend ka na?" tanong ni kuya Gian sa akin at nakangiti na para bang nang-aasar.

straightforward ka kuya ha! masyado kang halata! hahaha

"hahahaha! wala kuya" nakatawang sagot ko.

Don't Settle for LessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant