Table of FOUR

10 1 0
                                    

Janine's POV

"ANO!?" sabay sabay na  sigaw ng mga kaibigan ko, pati si Raf nakisigaw na rin. 

"tsk. Kumalma nga kayo, parang kayo pa ang anak ah! makareact wagas!" nasa loob kami ng isang restaurant ngayon. Half day lang kami sa school dahil tapos naman na ang exam.

Sa wakas nakaraos din.

Wala naman akong balak sabihin sa kanila kaso napansin atang gumaganda ako, I mean lutang simula pa kaninang umaga. Hindi kasi ako makatulog, ang bigat pa din ng pakiramdam ko, feeling ko panaginip lang yung mga narinig ko kila mama kagabi.

"Syempre friends mo kami, dapat lang mag-react kami no!" inirapan ako ni Raf. Talaga tong lalaking to! kung hindi lang nakapasok sa octagon friends (circle of friends sana pero ginawa kong octagon para naman maiba) kanina ko pa nasupalpalan ng isang basong kape eh.

"Sayo pa talaga nanggaling yan ah! Nung isang linggo lang naman kayo naging official friends ni Janine ah! epal talaga to" sabi ni Andie na nakikipagtalo pa.

"Umayos nga kayo, nyeta ibabalibag ko kayo sa mesa sige!" akmang hahablutin ni Trixy sina Andie at Raf ay bigla na silang kumaripas ng takbo.

Tawang tawa naman si Leigh na konti nalang mapuputulan na ng ugat sa leeg. Si Trixy naman pigil tawa dahil pilit ipakitang galit siya sa dalawang tumakbo.

"hay, kainis talaga yung dalawang yun. Bagay sila" umayos ng upo si Trixy sa harapan ko. Si Leigh naman ay kumalma na at tumabi sa akin.

"Best, ok ka lang ba talaga? Nagulat talaga kami sa sinabi mo eh. Kung kami nagulat pano ka pa kaya?" nag-aalalang tanong ni Leigh.

"ok nga lang ako, ang inaalala ko lang si Papa. Sabi nya kasi uuwi kami sa pinas to confirm everything." paliwanag ko.

"Uuwi ka? paano na yung graduation natin? Eh for sure naman ikaw ang magdedeliver ng valedictory address eh" sabi ni Trixy na nilalamon ang order kong cookies.

"Pagkatapos pa naman ng graduation kami uuwi. And gusto ko talagang makita yung family namin dun, at isa pa gustong gusto ko na makita si Kuya Olly" natutuwa talaga ako ngayon. Kung may masamang naidulot sa akin yung nalaman ko, may maganda din pala.

"OMG! sister-in-law! I love you talaga! kyaaaah!" mababasagan kami ng eardrums ni Trixy kay Leigh eh. Hindi ko pa nga pala naiikwekwento na matagal ng may gusto si Leigh sa kuya ko. 

Isinama kasi nila Mama si kuya Olly dito sa Nashville 3 years ago para may kasama ako. Pinsan insan palang kami nuon. Siya kasi yung pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko. Nakilala nya si Leigh at ayun! nalove at first tingin ang gaga.

Nag-iisang anak si Kuya ni Tita Lia na nakakatandang kapatid ni Mama at ni Ninong Ricky na tatay ko din. 3 years ang gap namin ni Kuya. Si kuya Olly yung super caring at sobrang lambing. Lahat ng gusto ko binibigay nya. Sabi nga ni Tita Lia kapag nagka-kapatid si Kuya Olly ang gusto nya katulad ko daw. Lagi ko kasing binobola kaya mahal na mahal ako hehe. 

Sobrang magkasundo talaga kami. Partners in crime kung baga. Sinasalo kasi namin ang isa't isa. Katulad nung late siyang umuwi ng bahay dati dahil sa ex girlfriend nya, ang sabi ko kay Tita nun ay pinabili ko lang sa labas ng pagkain. Yun! naniwala naman sila. Tapos ako naman, tumakas ng madaling araw at naabutan ako ni Tita sa labas, ang rason naman ni Kuya ay nag-away kami kahit ang totoo ay ginabi ako galing kila Jastine. Wag kayong green jan ah! nagskate kasi kami sa kabilang village kaya kami ginagabi ng uwi. Hobby namin yun eh... dati.

Lakas ng saltik no?

Kaya ngayon alam ko na kung bakit kami ganun ni kuya Olly, talaga palang dumadaloy sa dugo namin ang may pagkatimang. Si kuya, mas masahol pa sa tatay kung manermon, mas masahol pa kay Bob Ong at Marcelo Santos lll kung mag-advise, mas masahol pa sa bestfriend kung makijoin sa kabalastugan at mas masahol pa sa nanay pag nagmahal. Perfect brother si kuya Olly, kaya naman ang saya ko dahil talagang magkapatid talaga kami.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Mar 04, 2016 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Don't Settle for LessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu