Part of her

11 3 0
                                    

Andrew's POV

Nagtataka talaga ako kung bakit kilala ni Nin si Rafael, at talagang nag-aaral siya sa school nila Nin. Bakit ba nandun yon? Bwiset.

May history kami nung kumag na yon e. Bwiset siya. At ang pinagtataka ko, bakit Hindi man lang sinabi sakin nila Ghil na andito pala yon. Last time I check nasa pinas yon.

Ayaw Kong munang magdrama, sayang ang face ko. Alam Kong walang konek kaya wag kayong ano jan...

Ayaw ko lang naman na mawala si Janine sa akin, err alam Kong hindi PA naman kami para mag-isip ako ng ganito pero I know that guy, at Hindi ko hahayaang kunin nya si Janine sa akin.

Unang kita ko palang talaga sa kanya, hindi na naalis yung muka nya sa isipan ko. Grabe ang korni. Pero ganun talaga eh, hindi ko maintindihan kung anong klaseng gayuma ang ginamit netong bababeng to sa akin, ang lakas eh.

Matagal na nung huli ko tong maramdaman.

Naaalala ko pa nung una ko siyang nakita sa labas ng Hall noong Christmas party.

-----Flashback------

"San na kayo?" tanong ko kay Ghil sa phone. Nasa loob ako ng Hall ngayon, Hinahantay ko yung mga ugok kong mga kaibigan.

"On the way na tol!" sigaw ni Ghil sa kabilang linya.

"Gago! Gasgas na yang line na yan! Naririnig ko palang yung buhos ng tubig sa banyo"

"HIndi! On the way na talaga kami, umuulan!" rinig kong sigaw naman ni Gian.

"Wag nyokong pinagloloko, ang linaw ng langit at puno ng stars! dalian nyo na!" inis kong sabi sa kanila.

"Sunduin mo kami sa Costco, malapit na kami, dalian mo!" sigaw naman ni Ivan. Tumayo na ako sa inuupuan ko para lumabas.

"Siguraduhan nyong nasa Costco na kayo, ayaw kong nag-aantay, namamanis ang kapugian ko " nakangisi kong sabi. Lumabas na ako ng Hall.

"wala kang ganun! asa!" asar nilang tatlo sa akin.

"Mga unga---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng makakita ako ng dyosa. Oo dyosa, ang ganda eh.

Feeling ko nasabit yung eyeballs ko sa muka nya ng ilang segundo. Tuloy pa rin ako sa paglakad habang nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan na titigan sya.

Ang simple nya lang manamit pero nadadala nya. Kahit siguro pasuotin siya ng bin bag o basahan magmumuka pa din siyang tao.

Ang ganda ng pilik mata nya, ang haba ng itim nyang buhok, ang ganda ng korte ng katawan, pero mukang mataray siya pero ayos lang, ang ganda pa rin. For short, almost perfect.

Almost kasi wala namang taong perfect.

Naririnig ko yung mga kaibigan ko sa kabilang linya na nagsasalita pero parang wala akong marinig. Napansin kong lumingon sya sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

Sheeet! Nababakla na ata ako! Ganito pala kiligin! Feeling ko nakita ko na ang forever ko ^_^

Maglalagpasan na kami ng mawala ako sa sarili ko, nataranta ako bigla. Anong gagawin ko? Baka isipin nyang tinititigan ko siya.

Well actually I am.

Pero syempre ayaw kong maging creepy ako sa paningin nya. Ang gwapo kong to dapat secret admirer ang tawag, hindi stalker.

"Ano? ano? oo pupunta na ako" pagpapalusot ko nalang kahit wala naman akong narinig sa lahat ng sinasabi nila.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now