CALL

33 3 0
                                    

--Lounge--

"hoy babae! nasan sila Mama?" tanong ko kay Leigh na nanonood ng TV. Sarap ng buhay nya dito sa bahay namin ah.

"umalis sila kanina, tulog pa kasi ang prinsesa kaya di na naabutan" sabi nya at pinalitan ang channel ng TV.

"san daw pumunta?" tanong ko.

"nagdate ata" sagot nya.

"tinatanong ko kung saan pumunta! hindi kung anong gagawin! Bobita? nasan ang brain? patay na brain cells ganern?" basag ko sa kanya.

"gaga! hindi ko nga alam e!" sagot nya at akmang babatuhin ako ng unan ng biglang tumunog ang phone ko.

*bzz* *bzz* *bzz*

John Andrew Cerilo: Calling

ANSWER

--FB Call--

JCE- Hello?

JAC- Hi janine

JCE- bat ka tumawag?

JAC- wala naman, anong ginagawa mo?

JCE- wala, eto chill lang, nanonood ng TV. ikaw ba?

JAC- iniisip ka mabilis nyang sagot. I mean nagiisip mabilis nya ding dagdag.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. I acted na parang wala akong narinig.

JCE- nag-iisip ka? pano ka nag-iisip kung wala ka namang utak? basag ko sa kanya

JAC- ay grabe siya! hahaha

Magsasalita palang ako ng marinig kong nagsarado ng malakas ang pinto. Teka? sinong lintek na nagsara ng pinto ng pagkalakas lakas! buset! baka pagnasira yun, ako pa sisihin nila Mama. Hinanap agad ng mata ko si Leigh dahil kami lang naman dalawa ang nandoon kaya malamang siya yun. Alangan namang ako? hello? ang utak, paganahin!

Pero nakita ko si Leigh na napaupo ng marinig ang kalabog ng pintuan. Nagtaka ako dahil hindi siya yun. Hindi ko pa rin binababa yung phone ko at dali dali akong nagpunta sa may pintuan at nakita ko si Mama na galit ang expression ng muka. Bumaling ang attention niya sa akin at bigla naman akong kinabahan. Lumapit siya sa akin at sinigawan ako.

"kinakausap mo pa rin siya ha Janine!?"

"ano? hindi na! at ang tagal ko na siyang di nakakausap ma!" sagot ko.

"nagsisinungaling ka nanaman ba sa akin ha Janine?!." sigaw ulit nya at nung sasagot sana ako ay nakita kong bumaling ang mata ni Mama sa phone na hawak ko.

oh no! ma please! wag yan! kunin mo na lahat wag lang yan! please!

kinakabahan ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Hinablot nya ang phone na hawak ko at itinaas ang kamay. Nanlaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa phone ko ng makita kong 'on going call' parin kay Andrew. Napapikit nalang ako sa kahihiyan. Sigurado akong narinig nyang lahat ng mga sinabi ni Mama sa akin. Nahihiya na ako. Kailangan talagang marinig nyang mapagalitan ako.

"hindi mo makukuha tong phone mo at bawal ka maginternet hangga't hindi ko sinasabi. Lahat ng gadgets mo ilagay mo sa office ng daddy mo ngayon din! nagkakaintindihan ba tayo ha Janine!?" sunod sunod na sigaw ni Mama sa akin. Hindi ko naman mapigilang umiyak dahil wala naman akong kasalanan. Ni hindi ko nga alam kung ano yung binibintang nya sa akin. Sa sobrang pagkainis, tumakbo ako sa kwarto ko at dun na tuluyang umiyak.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now