Phone Call

18 3 0
                                    

Janine's POV

Nagpapahinga muna kami ng mga kaibigan sa mesa sa isang sulok ng pub malapit sa bar. Si Leigh ay solong kumakanta pa rin sa stage.

Kinakanta nya yung mga song requests ng mga customers. May pinakanta sa kanyang 90's songs like 'I will always love you' by Whitney Houston, basta mejo emotero yung mga nagrerequest sa kanya. May mga pinaghuhugutan. Eto namang bruhang to, 90's nga pinanganak pero 1 year old palang sya nun, paano nya naman alam lahat ng 90's songs na nirerequest nila? grabe ha. Meron din naman nagrerequest ng dancing songs like 'Dessert' by Darwin, 'Happy' by Pharrell and 'Shake it off' by Taylor Swift. At meron ding mga love songs na pang modern.

"boo oh" sabi ni Andie sabay abot sa akin ng isang basong lemonade. Yes po, boo ang tawag sa akin ni Andie. Ewan ko ba jan kung saan nya nakuha yang boo na yan. Para nya akong binubugaw sa tuwing tinatawag nya akong boo.

Ginawa pa akong manok! letche to, sa ganda kong to?

Binigyan ko lang siya ng thank-you-look ko. 

Gets na nya yun! tsss

Umiinom ako ng lemonade na binigay ni Andie sa akin habang nakatingin kay Leigh na kumakanta ng 'Friend' by Ed sheeran. May sarili syang version ng pagkanta nya sa kantang yan. Maganda talaga ang boses ng bruhang to, kaya andaming nagkakagusto sa kanya. Walang dudang may itsura at talented din sya. Habang nakikinig ako sa kanya, naalala ko yung nangyari kaninang umaga.....

---Flashback---

Lumabas na ang bruha sa kwarto ko dahil pinalayas ko. Ang ingay eh, may katext ako hihihi. Kaninang nagoopen ako ng facebook ko ay nakita kong may message si Andrew sa akin. Binuksan ko naman agad.

John Andrew Cerilo: Hey Janine, ok ka lang ba?

John Andrew Cerilo: hey!

John Andrew Cerilo: kumain ka na?

John Andrew Cerilo: busy ka ata...

John Andrew Cerilo: wala ka bang internet? kung wala text mo lang ako ha. eto number ko 0125081998 :)

John Andrew Cerilo: good night. 

Kahapon pa pala ito. I feel bad na hindi ko siya nareplyan. Nakakahiya naman. Magsesend sana ako ng reply message pero nawalan ako ng signal. Oo nga pala, mahina ang signal ko dito para abutin ng 3G. Nakakapagtext naman ako pero pahirapan ang internet dito sa bahay namin. Nasa gitna ba naman ng kawalan tong bahay na to. 

Sino bang nagpatayo nito dito ang ililibing ko ng buhay! Ang shunga! Di muna sana tinignan kung may signal ang bahay.

Dinial ko yung binigay na number sa akin ni Andrew. Hindi pa nakakadalawang ring ay nasagot na.

--Phone call--

"Hello?" sabi ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Drew?" sabi ko na nag-aalangan kung siya ba ang nakasagot.

Aba te! Hindi ko naman kabisado ang boses nya no. Malay ko ba kung maling number pala ang ibinigay niya sa akin. Edi pahiya pa ako! Buti ng nakakasigurado no.

"Janine?" sagot nya sa tonong hindi rin sigurado.

Nuks! alam niyang ako ha! hmmmmm.. hihihi

"Yep. Sorry ngayon lang ako nakatawag ha, ngayon lang kasi ako nakapag phone ul---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko dahil naalala ko yung nangyari samin ni mama bago siya kunin yung phone ko. Alam kong narinig nya yun.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now