Motivation

17 3 0
                                    

Janine's POV

Haaayy... School nanaman. Tapos na ang masasayang araw ng bakasyon. Last year na namin nila Andie, Trixy at Leigh sa high school. Next school year, college na kami, pero bago pa ang lahat ng yan, eto muna.

Magpapakamatay muna ang mga brain cells namin sa magrereview ng letcheng subjects! Well konti lang naman, mga.. uhmm.. let's see... ELEVEN!

Exam na namin next month. Sobrang kinakabahan ako, dito nakasalalay yung career ko at kung saang college ako mag-aaral. Well napagdesisyunan naman na namin nila Leigh kung saan kami mag-aaral eh, ang hindi lang namin sure kung classmates pa din kaming apat. Depende kasi yun kung anong scores namin sa exam.

Isang buwan na pala simula nung huli kong nakita sila Drew. Busy kasi ako this past few weeks at hindi na rin kami gumi-gig ng banda. Mine-murder ko na nga yung brain ko eh. Kailangan kasi valedictorian ako. May reputation kasi ako sa school, they've known me as the 'brainy maldita' at hindi ko pwedeng hayaang may bagsak ako sa exam.

Lagi lang naman ako sa library, actually tambayan ko dun e, feeling ko nga, sa apat na taon ko sa school namin, nabasa ko na lahat ng libro sa library. Araw araw kasi akong nandun, kung may nagche-check lang ng attendance sa library, ABA! ako na ang may 100%!

Nakakapagtext pa din naman ako, magdadalawang buwan na na hindi ko gamit yung phone ko. Hindi naman ako pala-text eh. Itong phone na hiniram ko kay Leigh, number lang ni Drew ang nakasave. Siya lang naman katext ko eh. Yung mga kaibigan ko lagi ko namang nakikita, nakakaumay na din yung mga muka nila LOL.

Nasa Library ako ngayon, nagrereview ako para sa advanced algebra exam, yun kasi ang mauuna. Bigla namang tumawag si Drew sa akin.

----Phone Call----

Me: uhm hello?

Drew: pwede bang tumawag?

Me: ay! hindi pa ba tawag to sayo? akala ko tawag na tong ginagawa mo, text lang pala. Oh sige sige, tawag ka na *insert sarcasm here*

Drew: hahaha, eto naman. Nasa class ka ba ngayon? anong ginagawa mo?

Me: hindi. nasa library ako ngayon, nagrereview ng susunod na exam ko. Bakit?

Drew: ah ganun ba? oh sige sige tatawagan nalang ulit kita mamaya ha, kelan last class mo?

Me: uhm wala na, free ko na ngayon, pwede na nga ako umuwi eh pero I'll stay here for a while.

Drew: ah sige sige, talk to you later. bye.

At bigla nalang nyang pinatay yung tawag. Grabe naman yun. Yun lang pala ang sasabihin bakit hindi nalang ako tinext kung nasaan ako. Utak please.

Binuksan ko yung secret account ko sa twitter. Walang ibang nakakaalam nun kundi ako lang, ginawa ko yun para ilabas kung ano yung feeling and thoughts ko without people knowing na ako yun. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi alam na may secret account ako. Konti lang ang nafa-follow sa akin sa secret account ko mga 700-800 lang naman, hindi gaya nung sa public account ko na thousand ang likes, ang hirap kasi ng maging maganda -_-

Nag post ako ng:

@Ms_Krispy: I need motivation! T_T

Pagkapost ko at pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagsasagot ng Math equation sheet na kinuha ko pa sa Math teacher ko. Isa ako sa milyong estudyante na ayaw ng Math. Mas gusto ko pa ang science at english kesa sa math. Hindi naman kasi ako pinanganak na magaling sa Math, nagma-malfunction ang utak ko kapag nakakakita ako ng math equation.

Habang nagsusulat ako, napansin kong kanina pa ikot ng ikot sa loob ng library at pasikot sikot sa bawat bookshelf na madadaanan si Kevin, yung all around staff ng school. Siya yung janitor, guard, waiter, builder or mechanic. Halos ginagawa niya lahat ng trabaho sa school except syempre maging teacher, ang sipag nga nya eh, kilala siya lahat ng estudyante dito at maging ang buong staff ng school.

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now