Life Lies

9 1 0
                                    

Janine's POV

Isang linggo nalang matatapos na ang school year. Gragraduate na ako! Nakakaiyak 😭

Simula nung araw na tumungtong ako sa high school, sinumpa ko na ang bawat oras na nandito ako. Why? Kasi naman halos parang selda eh, at ako ang criminal. Araw araw papasok, 8 hours to be specific. 5 days a week and sometimes 6.

Some teachers are pure as evil to give us homework and seat works that is impossible to do in just a day.

The logic is, why we have different teachers in each subjects and they complain on why we can't study all those subjects in one go?. Iisa lang ang brain ng student para ma-absorb ang 11 subjects tapos magrereklamo ang mga teachers kung bakit walang makagets?, eh iisa lang naman na subject ang focus nila kaya madali lang sa kanila.

How about us?

And dami!

Kainis. But well, mamimiss ko din tong school.

Yung bawat lesson namin na ako lang ang nakakasagot sa mga questions, yung café namin na reyna ako hahaha

Ewan ko ba sa mga schoolmates ko kung bakit nagsisilayasan sila sa pila kapag nakikipila ako, I'm not that mean. Hindi ako yung parang kontrabida sa mga movies na kapag paparating na ay tatabi ang lahat para makadaan ang reyna. I don't know why they are avoiding me. Are they afraid? Sa pagkakatanda ko hindi naman ako nangangain eh, hindi ko lang talaga sila kinakausap.

Mamimiss ko din yung spot ko sa library na halos buong taon dun ako nakatambay. Yung mga staff na favourite ako. Mabait naman ako e, maldita nga lang sa iba.

Yung mga memories namin ng WEST BOND. Yung asaran, kulitan at drama ng barkada. I admit nakakainis sila pero mahal na mahal ko yung mga yun. Nanjan sila lagi kahit Hindi ko naman kailangan. They are my definition of friendship.

Shhhhhhh. Wag nyo sasabihin sa kanila ha? Lalaki nanaman ulo ng mga yun.

Kararating ko lang ng bahay galing sa school. Stressed ako last couple of weeks dahil sa exams. Even Andie, Leigh and Trixy hindi nakawala sa stressed including Raf.

Did I tell you na friend na namin si Raf? He's actually nice and BALIW. This is kinda funny but I'm telling you, he's the boy version of Andie. Sobrang nakakatawa yung dalawang yun! Bagay sila hihi.

I ship Rafdie <3

Papasok na ako ng bahay ng marinig ko sila Papa at Mama na nagsisigawan.

Huh? What was that? Anong nangyayari? I never heard them screaming that loud before. Yes they argue and it's normal for a married couple but this? Feeling ko isang sigaw pa talagang gigi ba na ang bahay namin.

My curiosity hit me kaya naman ay dali dali akong umakyat sa sa master's bedroom kung nasaan silang dalawa.

I heard my Dad.

"Hindi siya aalis sakin Lyn. Hindi ako papayag"

"pero gusto nyang makasama siya Ed! makinig ka naman!" nanginginig na sigaw ni Mama.

"Nakasama na nila siya ng ilang taon nung nasa pilipinas pa siya at ako? Hindi!" Nakita kong tumulo ang luha ni Papa, I never saw him cried like that.

What's going on? Sinong nakasama? Sinong nasa pinas?

"At itinago nyo sakin ni Ricky! Ilang taon Lyn! Ilang taon! Mahal na mahal ko si Janine pero kahit isang tulo ng dugo ko ay walang dumadaloy sa katawan nya!"

Don't Settle for LessWhere stories live. Discover now