Dos

10.1K 307 18
                                    

DOS

"Dada! Ano 'tong papel na nakita ko dito ha? Anong kababalaghang ginagawa mo 'pag wala ako?" Pang-aasar ni Gail sa akin habang itinataas yung papel na sinulatan nung lalake kagabi.

Nagpigil ako ng tawa nang maalala ko ang mukha nung lalake kagabi. Namumutla siya nung nasabi ko yung sinulat niya. Hindi naman iyon ang una kong karanasan na may bumibili ng ganoon at surely, not the last.

Marami na rin naman ang bumili ng ganun. Nung una, sobrang nangilabot ako at gusto kong magdala ng isang bote ng holy water para ipaligo sa kanila pero nang magtagal... Umm, sa totoo lang iyon pa rin ang gusto kong gawin.

Ang kaibahan lang ay hindi ko na masyadong pinapahalata yung kilabot na nararamdaman ko.

"'Di ako nagsulat niyan," sabi ko.

"Sabagay, kulang na lang ay isumpa mo mga taong bumibili ng ganun," balik naman ni Gail.

Muntik ko na rin isumpa yung lalake kagabi pero may kaibahan siya eh. Para bang hindi man niya ginusto at wala man siyang alam sa bagay na yun. Hindi man nga niya masabi nang diretso yung salita kaya imposible na para sa kanya lahat ng mga binili niya.

Oo, "mga"... Isang box ang pinili niya. Basta kabayad niya, tumakbo siya kaagad palabas. 'Di man nga niya nahintay na iplastic ko at ibigay yung resibo.

"Oo na. Shoo," pagtataboy ko sa kanya at inabot na yung bag niyang nasa table.

"Eto kung makataboy. Sus, may tinatago ka sa akin ano?" Pamimilit pa nito at aakto nanamang mangingiliti nang itinaas ko ang isa kong kamay.

"Away o gera?" Malumanay kong tanong.

"Dumating daw pala dito anak ni–"

Napatigil siya nang may tumawag sa kanya sa phone. Itinaas niya ang kamay niya na para bang pinapahintay ako pero bumulong lang ako ng, "Ge alis na."

Nag-make face muna ito bago siya umalis. Ipapatong ko pa lamang sana ang bag ko sa upuan nang may pumasok na isang grupo ng magkakaibigang babae.

Apat lang sila at halata naman sa mga gamit nilang may kaya sila. Wala lang siguro silang ibang kwentuhan place na walang makakarinig kaya dito nila napili.

Dumiretso sila kaagad sa counter at yung parang leader nila ay yung kumausap sa akin.

"Nasaan si Gail?" Tanong nito, "She's the one who should be here at this hour, right?"

Siya nga pero may kailangan siyang puntahan kaya nung kinausap niya ako kung pwede ko muna siyang i-cover, um-oo na ako kaagad. Wala na rin naman akong gagawin at isang oras lang naman ay shift ko na.

"Umalis. Ako nandito," simpleng sagot ko sa kanya at tuluyan nang ibinaba ang bag ko.

Napairap ang babae sa sagot ko pero hindi na namilit pa. Pumunta sila sa dulong mga upuan na nasa gilid ko halos.

Kaya hindi ko man sinasadya, naririnig ko ang mga sinasabi nila.

"Did you see him? He was super gwapo lalo na kanina talaga," ay ang una kong narinig.

"What's his name again?" Tanong naman nung katabi nito.

Nagbulungan lang ang mga ito kaya ang tangi kong narinig ay may letrang J sa pangalan niya. Wala rin naman akong masyadong pake kaya 'di ako nakinig nang maayos.

"I've heard that he went here eh," sambit nung isa.

"Kaya nga tayo nandito. Tatanungin ko sana si Gail since it looks like kilala niya siya but 'di natin siya naabutan," sabi nung babaeng nagtanong sa akin.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now