Nueve

5.7K 217 26
                                    

NUEVE

Nakaupo kami ngayon at nakapaikot sa isang malaking table. Magkatabi kami ni Josef at nasa may harapan ko ang mama at kapatid niyang lalake habang ang babaeng kapatid niya ay nasa tabi niya.

Hindi magkamukha si Josef at Jaila, mas kamukha ni Josef ang lalaki niyang kapatid na si Jerrald. Para bang pinabatang version niya. Pansin kong kamukha nina Josef at Jerrald ang mama nila. Siguro si Jaila ay mas nagmana sa papa nila dahil hindi siya gaano katangkaran.

Actually nakita ko na noon ang boss namin pero minsan lang yon dahil yung madalas na kumakausap sa'min ay ang manager namin. Nalaman kong boss ko nga yung mama niya at syempre, anak siya ng boss ko.

Hindi ko alam anong dapat ang reaksyon dahil ano pa nga ba ang magagawa ko?

Doon ko nagets bakit alam niya ang password ng computer at willing siyang tumulong sa mga ginagawa. Basta kung anuman ang balak ni Josef, at least ngayon naiintindihan ko na kahit papano.

"Ang ganda mo, ate Emaculada." Sambit ng kapatid ni Jaila.

At bago pa man ako makahindi at sabihin na Dada na lang ang itawag sa akin, dumagdag na si Jerrald ng "But why haven't I saw you at that store? Though I know Ate Gail."

"Ay hindi," pagdedeny ko sa puri niya at umiling, "At panggabi kasi ako."

Narinig kong tumawa ang mama niya na si Mrs. July at hindi ako magtataka kung J rin ang umpisa nung pangalan ng asawa niya.

"You're pretty, dear. Kasi kung hindi, Josef will never go back to a certain store," sambit nito sa akin. She asked me to call her 'Tita' pero nag-aalangan ako kasi siya lang naman ang may-ari ng convenience store na pinagtatrabahuhan ko.

I mean, pati rin naman si Josef pero mamaya ko na lang isipin ang mga kasungitang nagawa ko sa kanya.

"Totoo 'yun, ma! Minsan nga he didn't call back a girl just because--Aray!"

Napatingin kami lahat kay Jaila nang um-aray siya at nakitang nakatingin ito nang masama sa kuya niya.

"Ma oh! Naniniko si kuya!" Sumbong nito sa mama nila.

Nagtaas naman ng mga kamay si Josef na para bang nagsu-surrender sa mga pulis. Bumalik ang tingin ko kay Boss a.k.a. Tita na nakataas ang isang kilay sa anak.

"Josef Jeth, 'di mo ba alam na masakit ang maniko?!" Pambabawal ni Tita.

Lumipat ang tingin ko kay Josef na nakasimangot sabay umiiling pa. Kinuha ko yung baso sa harapan ko habang inaantay kung kailan lilitaw ang pagkain na in-order.

"Ma naman! 'Di na namin kailangan malaman na masakit yung mani mo!" Josef exclaimed.

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko kung hindi ko lang kaagad nilunok. Narinig ko naman ang mga impit na tawa ng kanyang mga kapatid.

Kinagat ko na rin yung ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Josef!" His mother said in a warning voice.

Inikot ko yung tingin ko sa resto para hindi kunyare makaabala sa pag-uusap nila. Kanina nalaman kong hindi pala talaga kumakain ng mga isda ang pamilya nila. Puro meat, pasta, o kaya mga salad ang nasa menu nila. Tinuturing nga yata nilang mga fish pets ang mga isda. Plus, totoong pangalan din ng mga isda yung kaninang tawag ni Josef dahil sa kanila rin itong restaurant.

"Ma'am, here are your orders." Rinig namin sabi ng isang boses lalaki kaya napatingin kami sa waiter.

Isa-isa niyang nilapag yung mga plato kaso medyo marami kaya kinailangan niyang ilagay sa kabilang table. Akmang tatayo si Josef nang pigilan ko siya.

Failed-ibig ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat