Seis

6.9K 237 9
                                    

SEIS

Sanay naman ako noon na mag-isa dito sa store. Hindi na bago na ako lang yung nagbabantay rito at walang lalaking nangungulit sa akin.

Mas maganda nga ito dahil peaceful ang buhay ko.

Ako yung tipong kahit ako lang mag-isa, nakakayanan ko. Walang halong kadramahan or ano, basta parang introvert ako. Sinabi na iyon dati ni Gail sa akin pero hindi ko nalang masyadong inisip. Masyado akong maraming ginagawa para mag self-pity.

And my thoughts ended quickly nang tumunog ang phone ko. Sino pa nga ba ang nagtext?

Josef:
hi mojo!!

Kumunot ang noo ko tas nagreply.

Dada:
Mojo?

Ibababa ko pa lang phone ko nang magreply na siya kaagad.

Josef:
Ikaw si mojo, ako si jojo. Mojo jojo!! :)

Sabi ko na nga ba, kalokohan nanaman. Kung tama ako, si Mojo Jojo yung kalaban ng powerpuff girls. Kung anumang trip ng lalakeng ito, 'di na ako magtataka kung nanonood siyang ganun ngayon.

Dada:
Unggoy yun eh. Sinasama mo pa ako sa kaungguyan mo

Josef:
Hahahaharsh mo talaga :(

Dada:
Tigilan mo ko

Katapos nun ay tinigilan naman niya nga ako. Ibinulsa ko muna yung phone ko nang may pumasok na isang lalake at babae. Nagtatawanan lang sila at parehong dumiretso sa ref.

Nang dumating sila sa counter, inilapag lang nila yung dalawang tubig.

"30 pesos," sambit ko.

Napatigil sila sa tawanan at tumingin sa akin. Napansin kong parang sobrang magkamukha nila kaya naisip ko na baka kambal sila. Ayoko na rin namang magtanong kaya hindi nalang ako nagsalita.

If nandito si Josef, for sure itatanong niya bat sila magkamukha. If nagpa-photocopy ba sila ng mukha or something.

Ugh. Bat ko ba yun iniisip?

Nagbayad na sila at kaagad din namang umalis katapos nun. 10:49 na ng gabi at naisipan kong linisin na yung mga tables sa labas.

Kinuha ko yung pang-spray sa baba ng counter nang biglang tumunog yung cellphone ko. Nilabas ko ito mula sa bulsa at nakita kong tumatawag si Josef. Nagdebate yung isipan ko if sasagutin ko ba o hindi. Bago pa man ako makapagdecide, namatay rin naman ito kaagad.

"Ano nanaman kayang gusto nito?" Bulong ko. Ipapasok ko na sana ulit yung phone nang tumunog nanaman ito.

Kinuha ko muna earphones ko sa bag at isinaksak sa phone. Mahihirapan kasi akong maglinis kung hawak-hawak ko yung phone.

"Hello Mojo!" Bungad niya pagkasagot ko.

Ibinaba ko muna nang konti yung volume tapos ipinasok na ito sa bulsa. Hindi ako sumagot at hinanap yung basahan sa may drawer.

"Labas ka dali! Sobrang ganda ng mga stars!" Parang bata nitong sigaw.

Hindi ako ulit sumagot at nagpatuloy lang sa paghahanap.

"Uyy sige na, tignan mo." Pangungulit pa niya.

"Saan?" Tanong ko. Sakto nakita ko na yung basahan kaya lumabas na ako kaagad.

Narealize ko ang pagkakamali ko nang marinig ko siyang tumawa nang malakas.

"Try mong tignan sa daan, Dada. Baka may makita kang stars diyan."

Failed-ibig ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora