Veinticuatro

4.4K 173 18
                                    

VEINTICUATRO

Ang kakapasok lang na tao ay si Ate Irene. Binaba ko muna yung cup noodles na may mainit ng tubig at tinakpan ito.

Lumapit si Ate Irene papunta sa amin pero nahalata ko ang tingin niya ay na kay Josef lang.

The moment Josef placed the cup noodles on the table, she asked him, "So, anong balita?"

Ha? Close na rin sila?

He waved at her and grinned. "Um hi, ate Irene. Desisyon ko raw yung masusunod kasi sa akin mababawas."

"At ang desisyon mo ay?"

I looked back and forth at them na parang nanonood ako ng volleyball game na palipat-lipat ang bola. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya nakakunot lang ang noo ko.

"May bayad—"

Ate Irene made a sound na parang nalungkot siya nung narinig iyon.

"Pero libre lahat basta, uh... before the auction, dapat ano. Ah! Dapat sweet si Dada sa akin."

Anong libre?

Wait.

Anong sweet?

"Magkakaroon lang ng libreng pagkain lang sa auction if sweet si Dada sa'yo?" she asked more likely to me kasi sa akin siya nakatingin nung tinatanong niya 'yon.

Libreng pagkain sa auction? Oh. I get it. Galing sa restaurant nina Josef yung food? Pero yung requirement niya para maging libre is dapat maging sweet ako? Ang babaw. Seryoso ba 'tong taong ito?

Pakibalik na ang turnilyo ng utak niya, sige na.

"Seryoso ka? Oh wow. Imposible yan, 'di niya kaya," Ate Irene added defeatedly.

What. The.

Isip ba nila hindi ko kayang maging sweet?

Well... Hindi ko nga. Tama sila.

"What if kaya ko?" sabat ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti sa akin si Josef with a challenging smile. "Hanggang before the auction?"

Ilang days pa ba? One week or less? My gad. How?

Since it is an auction, kailangan talaga ng pagkain para sa lahat ng bisita. Nahirapan kami these past years para maghanap ng sponsor and we always end up getting catering services.

Okay naman pero yung kaso ay mahal. Nakakabawas sa pwedeng maibigay na sa mga pasyente.

"Then say yes to Ate Irene na kayo ang magpo-provide ng food," sambit ko.

Umiling siya pero may ngiti pa rin sa labi niya na parang natutuwa siya sa nangyayare. Pwes ako hindi.

"Doesn't work that way. Sasabihin ko lang ang yes before the auction," he said.

Why am I even considering it? Baka niloloko lang pala niya ako or something. Ano naman kasi ang makukuha niya 'di ba?

"Pero—"

He cuts me off, "Kunware nagpropose ako sa'yo at sinabi mong oo, kaso nung nagtagal, may nangyareng mali kaya we called off our wedding. Do you think kailangan pa yung pagkain sa reception?"

Tinignan ko siya nang masama. He has a point pero... "Oo, kakainin ko," I said, not backing down.

Nagkibit siya ng mga balikat tapos tumingin kay Ate Irene, "Mukhang ayaw niya po eh. Pasensya na pero may bayad—"

Jusme. Bahala na.

"O-Oo na, sige na! Kung ano mang kalokohan ito. Okay! I'll try to be... sweet," I surrendered, saying 'sweet' na para bang bagong salita yun sa akin.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now