Treinta y Ocho

3.7K 162 40
                                    

TREINTA Y OCHO

Paalis na ako sa bahay para sa shift ko. This time, ito na yung totoong shift ko na hapon hanggang hatinggabi. Okay na raw kasi si Carlo at may dumating ng kapalit.

Lagi namang may darating na kapalit... Ay gaga. Nadala ng emotions.

"Ugh. Pero bat ang bigat ng pakiramdam ko?" I whispered to myself.

Napatingin ako sa langit at napansin na parang anytime, bubuhos yung ulan. Umulan na nga kanina nung natutulog ako. Nagising pa nga ako sa gitna ng tulog ko para isarado yung mga bintana.

Pumasok na muna ulit ako para kunin yung payong tapos ipinasok sa bag ko. Then I walked out once again para mag-antay ng masasakyan.

Nang mapagtanto kong wala, naglakad na ako papunta sa kanto. Nasa gilid lang ako ng daan nung may dumaan na mabilis na sasakyan.

Dahil nga sa umulan kanina, may mga tubig sa daan na tumalsik sa akin. Tinignan ko muna nang masama yung sasakyan bago mainis. Kahit medyo pamilyar, hindi ko na rin masyadong pinagtuunan ng pansin tapos tinignan yung damit ko.

"Ano ba 'yan," reklamo ko. "Naligo naman ako eh."

Pinunasan ko muna yung sa kamay ko pati yung sa damit ko. Buti na lang, kulay itim yung suot kong damit. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang bigla kong narinig yung mga malalakas na buhos ng ulan mula sa malayo.

Pinanood kong bumuhos ito papunta sa akin. Ang weird. Bat hindi sabay-sabay bumuhos yung ulan?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bat hindi ako sumilong o nagpayong pero dahil nga sobrang bigat ng pakiramdam ko, wala akong nagawa. Sigurado rin akong hindi lang 'to dahil kay Josef... Sigurado ako.

"Dada!" May narinig akong sumigaw galing sa malayo.

I thought it was only my imagination dahil hindi klaro yung sigaw kasabay ng ulan.

Nagulat ako nang makita kong may nakaparadang na sasakyang hindi ganun kalayo sa akin.

Wait. Ito yung sasakyan kanina na sobrang bilis.

Ibinalik ko yung tingin sa taong papalapit. Dahil may ulan na tumama sa mukha ko, medyo lumabo yung paningin ko at hindi ko makita nang maayos yung taong tumatakbo papunta sa akin.

"Dada!" sigaw ulit nung tao.

Nananaginip ba ako?

Si Josef yung tumatakbo! Sa ulan!?

"Sef..." bulong ko nang makalapit na yung tumatakbo sa akin.

Hinihingal siya nang makalapit sa akin pero hindi ko alam if pinagpawisan siya dahil kung oo, natakpan na ito ng bawat patak nitong ulan.

Ngayon ko lang naisipang kunin yung payong at agad kong binuksan yun para payungan siya.

"Lalagnatin ka!" I shouted at him tapos tinignan ko kung mukha niya. I kept my eyes glued at him with worry.

Bat ba siya nandito? Umuulan pa man din!

Lalo na sakitin pa man din itong lalaking 'to.

"Dada," he whispered my name.

Parang may mali.

Oh no. Hindi. Akala ko nagbago yung isip ng Papa niya?

Sinabi na ba sa kanya nito yung totoo? Shiz. Sabi ko na nga ba. Para nga talaga siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Paano 'to... Anong gagawin ko?

"Okay ka lang?" mahinahong tanong ko tapos lumapit na sa kanya para payungan siya.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now