Cuatro

7.5K 252 6
                                    

CUATRO

"Sabi nila, tunay na maganda raw yung maganda 'pag naka-orange. Totoo ba yun?" Pangungulit ni Josef sa akin.

Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. Nagte-21 questions daw kami pero wala naman akong gustong malaman tungkol sa kanya kaya hindi na rin ako sumasagot.

"Uy, pansinin mo naman ako."

Tumango na ako. "Oo, ganda siguro ng mga nakakulong."

Napahalakhak naman siya sa sinabi ko. "O dali, magtanong ka na. Alam ko naman na may gusto kang itanong."

"Ano naman?"

"Yung number ko."

Umirap ako. "Pake ko sa number mo?"

"Oh ayun tanong! Yung pake mo sa number ko ay sobrang laki kasi ang daming gustong makakuha nito," sagot niya.

Nakuha ng atensyon ko yung paubos na inumin sa may ref. Kailangan na palang irefill. Hindi naman talaga ako yung dapat na nagrerefill dahil kadalasan 'pag paubos, umaga na. So parang usapan ay si Gail o yung boyfriend niyang si Ryan yung magrerefill.

"Eto tanong ko. Stay ka muna diyan?"

Mukhang nagulat siya sa request ko pero agad din itong nagatungan ng kalokohan niya. "Oo, alam ko namang nag-eenjoy kang kasama ako. Kahit walang please, dito lang ako sige. Teka, san ka ba pupunta?"

Kinuha ko ang susi ng stock room sa drawer at tumingin sa kanya.

"Yan na ba next question mo?"

Umiling siya, "Sige, papanoorin ko nalang pala kung san ka pupunta." Nung lumiit mga mata ko sa kanya, dinagdagan niya ng "Habang nakaupo dito."

Wala na rin naman akong magagawa kaysa siya yung pakuhanan ko ng kahon. Kapasok ko sa stock room ay agad kong hinanap yung box.

Nasa gilid lang ito kaya hindi na ako pumunta sa may dulo. Hinila ko yung nasa taas nito at binuhat na. Lumabas na ako ng stock room sabay lakad nang mabilis pabalik sa store.

"Ay!" Gulat na sabi ni Josef at mabilis na lumapit sa akin para kuhanin yung box.

"Ako na lang," sambit ko.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin na kukuha ka pala ng kahon? Sayang edi sana napakita ko kung gaano ako ka-macho." Sabay kuha niya sa akin kahit hinigpitan ko na yung hawak.

Hinayaan ko na lang din siya dahil mukhang hindi ko na siya mapipigilan.

"Yan next question mo?"

Ibinaba niya yung kahon sa tabi ng ref habang ako nakatayo sa may tabi niya.

"Oo na, mukhang wala kang sasagutin if hindi counted eh."

Nagpigil ako ng tawa saka bumaba na rin para maglagay ng mga bote sa ref. "'Di ko sinabi kasi ipipilit mo na ikaw na lang."

"Buti alam mo..." Bulong niya. "Ano na next question mo?"

"'Di mo ba ako tutulungan?" Tanong ko nang mahalatang nakaupo lang siya sa tabi ko.

Nagtatanong lang naman ako.

"Hindi ka naman nagtatanong ng anything personal eh. Puro requests or mababaw lang," sabi niya sabay nguso. Tinulungan na rin naman niya ako kahit parang labag sa kalooban niya yung mga tanong ko.

Inantay kong magtanong siya dahil siya na ang susunod at nung patapos na kaming mag-refill ay tinawag ko na siya.

"Ano next mong question?"

Nakita ko siyang napangiti pero inalis niya kaagad nung tumingin siya sa akin. Patampo effect pa.

"Masungit ka ba sa lahat o sa akin lang?"

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now