Treinta y Tres

3.5K 144 3
                                    

TREINTA Y TRES

"Ma'am, bili na po kayo ng pizza. Buy one, take one!" A girl shouted nang dumaan ako sa harap ng isang pizza store.

Naalala ko bigla si Josef na ayaw sa mga pizza. Hindi pa rin ako makapaniwalang may tao sa mundo na ayaw sa pizza.

So I blurted out a question to the girl, "May mga taong ayaw ba sa pizza?"

She was, as expected, startled at my sudden question but still answered, "Meron po, ma'am. Yung mga taong 'di pa nakakatikim."

Oo nga naman. May point siya.

I just nodded and smiled. "Sige, salamat." Then I continued walking.

Yung mga taong 'di pa nakakatikim... Ibig sabihin nun ay hindi pa nakakatikim si Josef? Wait. That's impossible. Sinabi niya nga na matagal na nung last siyang nakakain.

Arrrgh. Bakit ko nga ba pinoproblema yun?

Biglang may tumunog mula sa bulsa ko kaya agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko yung tawag ni Gail nang makita ko ang pangalan niya habang naglalakad na ako papunta sa book store.

"Iniwan niya ako! Hala. Leche siya! Iwan din sana siya ng—ng mga nang-iiwan! Makarma sana siya," bungad nito sa akin.

Narinig ko pang parang umiiyak siya sa kabilang linya.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko kilala yung "siya" na tinutukoy niya pero kapag nakita ko yun, sasapakin ko yun.

"Abigail, san ka niya iniwan?" I asked.

Tumingin ako sa magkabilang daan at nakitang mabilis yung mga sasakyan kaya napatigil muna ako sa paglalakad.

"Hindi literal! As in, emotional you know? Emotionally niya akong iniwan, ang sakit," she replied.

Ay, ayon pala. Akala ko pumunta sila sa malayong lugar tapos iniwan siya nung lalaki.

"Ah. So, saan niya tinapon kaluluwa mo?"

I heard her tsk-ed sabay singhot kahit sigurado akong wala naman siyang sipon.

Ibig sabihin din nun ay hindi kami nagkakaintindihan. Hay nako.

"Ma'am!" Rinig ko mula sa linya niya. Hindi masyadong malakas pero yun ang naging dahilan bat 'di sumasagot si Gail sa tanong ko.

Ma'am?

"Ma'am, wait lang po!" sigaw nanaman nung narinig ko.

Itatanong ko sana kay Gail kung siya ba yung tinatawag nang magsalita siya, "Dada, kailangan ko na rin ba ng fake boy—"

Bigla siyang tumigil at naging malinaw na yung boses nung sumisigaw na lalaki kanina.

"Ma'am, sandali," parang hinihingal nitong sambit.

"Ano yun?" she asked. So, siya nga yung tinatawag?

"Uh..." Huminto ako sa pagsasalita dahil naunahan na ako ni Gail.

"Tawagan kita mamaya. Papunta na rin ako sa store," paalam niya sabay patay sa tawag.

Aba. Parang kanina lang nagdadrama siya tungkol dun sa lalaking nang-iwan sa kanya tapos ngayon, pinatayan niya ako ng tawag dahil sa lalaking tinatawag siyang Ma'am? Nice one.

Hay...

Binulsa ko na ulit yung phone ko at nakisabay na sa mga taong naglalakad sa pedestrian lane.

Lumipat ako sa kabilang daan dahil nandun na yung library na pupuntahan ko. Nang may makakuha ng atensyon ko kaya sinundan ko ito ng tingin.

Parang nakita ko si Josef na naglalakad na may kasamang babae. Agad kong inisip kung si Rio ba yung kasama niya kaso may mga humarang na mga tao kaya nawala na sila sa paningin ko.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now