Dieciseis

4.9K 194 5
                                    

DIECISEIS

"'Kala ko bang wala ka pang naging girlfriend?" I asked curiously habang hinahalo yung halo-halo ko.

Nandito kami ngayon sa isang carinderia kung saan kumakain kami ng halo-halo. Hindi naman dapat ako sasama kay Josef kaso nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya nung nandoon na ako sa sakayan.

I searched for any reaction sa mukha niya kaso ngiti lang yung nakita ko na hindi umaabot sa mga mata.

"Wala nga. Proud NGSB!" Sabay salute pa nito na parang sundalo.

Umiling ako tapos kumain ng nata de coco galing sa baso.

"First love never dies," komento ko base doon sa nabasa ko dati. One time, yun ang horoscope ko pero hindi ko masyadong pinansin because it has nothing to do with me.

"Well, 'di pa naman siya patay. Alive and kicking pa naman siya," he considered it while nodding. Hanggang ngayon ay hinahalo pa rin niya yung halo-halo niya. "'Kaw? Meron ka na bang first love?"

I shrugged dahil wala naman. Wala akong time at never akong magkakatime.

Nakuha naman niya iyon at nagsimula nang kainin yung halo-halo niya. Napansin ko na yung gatas lang ang kinukuha niya gamit yung kutsara kaya napakunot ang noo ko.

"Minsan..." he started and binitawan muna niya yung kutsara, "Minsan kasi may mga taong 'di inaasahang darating kaya kakailanganing magsaing ulit kasi kulang yung rice."

Nung una, hindi ko nakuha kaya itatanong ko sana kung anong connect nang biglang narealize ko na niliteral niya.

"Loko talaga," I whispered.

"Only know you love her when you let her go, ika nga nila," dagdag niya.

"Bull--" tumigil ako nang pinanlakihan niya ako ng mga mata. Sumenyas siya na may mga bata sa paligid kaya napangiti ako, "...dog."

Napukaw ng atensyon ko yung matandang babaeng habang naglalakad ay laging tumitigil sa isang table para makiusap sa customers. Baka siya yung may-ari?

"Aling May!" sakto namang tawag ni Josef sa kanya nang makita siya. Syempre, kilala niya siya. "Nasan na yung dagdag kong gulaman?" tampo nitong sambit sa kanya.

Yung babaeng tinawag niya ng Aling May ay nung makita si Josef, parang nagliwanag ang mukha niya. Mga nasa pagitan na siya ng edad ng mga magulang namin kaya siguro parang nakikita niya si Josef bilang anak.

"Sep!" she called tapos lumapit siya sa table namin. "Naku! 'Di mo ba hiningi? Hala, antay ka. Pagdadala kitang isang baso ng gulaman," sambit nito at akmang aalis na nang tawagin siya ni Josef.

"Aling May, si Dada pala. Dada, Aling May. Stockholder ng gulaman dito," he introduced.

Napakalakhak si Aling May dahil sa sinabi niya kaya napangiti ako. Mukhang sobrang close na nila... But knowing Josef, no doubt naman.

"Hello po," I greeted her.

Nakita kong lumambot ang tingin ni Aling May nang bumati ako. Hindi ko sigurado pero parang may iniisip siya bago magsalita.

"Hi. Alam kong alam mo na pero ang ganda mo, 'nak. Ginayuma ka ba ng loko na 'to?" she joked.

Gusto kong sabihin na hindi ko alam at gusto ko ring makipaglokohan pero ang tanging nagawa ko lang ay magpasalamat at tumawa nang mahina.

"Aling May! Ako kaya yung nagayuma tsaka mas maganda ako sa kanya!" he retorted. Inirapan lang siya nito.

Katapos nun ay nagpaalam siya na may gagawin at ipapadala na lang yung gulaman ni Josef. Akala ko loko-loko lang pero may dumating talagang isang waitress na may hawak na basong may gulaman.

Failed-ibig ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon