Veintitres

4.5K 183 12
                                    

VEINTITRES

"May 'di ka ba sinasabi sa amin, Dada?" tanong ni Papa.

Kumakain na kami ng dinner ngayon at nakakagulat na nauna silang umuwi sa akin ngayon.

Napatigil ako sa pagnguya sa tanong ni papa.

May ginawa ba akong mali? Hindi ko naman buwan ng paglalaba ngayon. 'Di ko pa naman kailangan iligpit yung pinagkainan kasi kumakain kami.

Jusme. Ano? Ano na naman yung ginawa ko?

"Huh?" ang tanong ko pabalik. Sabi nga nila, patay malisya na lang.

"Cyclops," banggit ni Ate Esmie.

Agad akong napalunok sa narinig ko kaya lang hindi ko pa pala natatapos nguyain. Ang resulta tuloy ay umuubo ako ngayon nang tuloy-tuloy.

Kinuha ko yung baso sa harapan ko at agad na uminom.

I glared at my sister. "Pano mo nalaman?" pabulong kong tanong para hindi marinig ni papa.

"That guy," Papa started then he grinned at Ate Esmie na ngayon ay tumatawa na. "He told us that he likes you."

"At least, kahit papano may nagkagusto pa sa ugali mong yan," dagdag ni Ate.

I was stuck doon sa sinabi nung lalaki na gusto niya ako. If I add it all up, si Cyclops ay si Josef... At kung siya yung sinasabi ni Papa.

Wait, gusto niya ako? Ako?

Kahit kakatapos ko palang mabulunan, naubo nanaman ulit ako.

"Easy ka lang, 'nak. He haven't asked for your hand yet," Papa tried to calm me.

What. The.

Lokohan ba 'to? Joke time? Laughtrip diz time?

"Hindi ka pa man din marunong magluto. Kawawang lalaki," Ate commented.

Inirapan ko siya dahil parang namang malaking kasalanan ang hindi marunong sa pagluluto. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Mama, sabi niya if 'di raw kami natuto kahit kailan, maghanap daw kami ng taong hindi kumakain.

Posible naman pero mahirap ata.

"Swerte kaya niya sa akin," I defended myself.

Nagtawanan lang sina Papa at Ate katapos kong sabihin iyon. Kulang na lang ay mag-apir pa sila sa harapan ko.

That night, I didn't get to sleep. Well, natulog ako pero parang gising na gising ang utak ko. Hindi ko alam kung posible yun pero wala naman akong iniisip.

So the next morning, I was sleepy. Habang papunta ako sa store, lagi akong kumukurap dahil masakit ang mga mata ko. Para akong uminom ng alak at ngayon ay may hangover ako sa sakit ng ulo ko.

"Dada?" Rinig kong may tumawag sa akin, pagkatingin ko sa taong nasa harapan ko, si Carlo. "Okay ka lang? Mukha kang nahihilo."

Tumango ako tapos umiling. "Ays lang," I mumbled.

"Oo nga pala, yung magbubukas na stall? May wifi silang gumagana," he informed. He's talking about the store besides us. Hindi pa namin alam kung anong ibebenta nila pero mukha namang hindi convenience store rin.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now