Ocho

6.4K 222 20
                                    

OCHO

Nakatingin lang ako sa orasan tapos pababa sa watch ko tas pabalik doon sa orasan na nakasabit sa may wall. I paced back and forth without even noticing.

"Oy Dada, 'di bibilis yung oras kahit ilang beses mo pang tignan yan nang masama." Rinig kong sambit ni ate.

Bumalik ako sa tamang huwisyo at tumayo nang diretso. Bakit nga ba ako nagmamadali? I mean, darating lang naman si Josef dito sa bahay para sunduin ako. Bat ko pa kasi sinabi sa kanya kung saan yung bahay namin? Dapat nakipagkita na lang ako o kaya ako na lang pumunta mismo doon sa lugar.

May humawak sa magkabilang balikat ako at pinilit akong umupo sa sofa.

"Akin na nga. Ipitan na lang muna kita bago ka magcollapse sa kaba," Ani ate Esmie at naramdaman kong hinawakan na niya ang buhok ko.

I calmed down a little. Si Ate nakakapagkalma talaga sa akin minsan dahil parang siya na yung tumayo na mama sa akin. Mahal ko si Papa but Ate really stood and acted as a mother. And never ko pa siyang narinig na magreklamo pwera na lang 'pag nagpapa-piggy backride ako sa kanya.

Nagsuot ako ng simpleng jeans at orange with polkadots na sando then topped it up with a blue cardigan. I actually didn't know that pwedeng ipagpares ang blue at orange kundi lang sinabi ni Ate. The shoes na sinusuot ko ay sneakers na kulay white.

"Nabasa mo ba yung horoscope mo ngayon?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Napapadalas na tungkol siya love kaya 'di ko na masyadong sinusundan."

Tapos na niyang ipitan ang buhok ko nang maramdaman kong may tinali na siya sa dulo. Pumunta pa siya sa harapan ko para tignan kung maayos.

"Ayan, ang ganda." Napangiti ako. "Ng buhok mo." Sumimangot ako na ikinatawa niya.

"O teka lang ha, 'wag kang makipagsuntukan sa mga orasan diyan at tutuloy ko na yung mga tinutupi ko." Sabay akto pa niya kung paano magtupi.

"Sige na. Chupi," pagtataboy ko.

Nang makalayo na si ate, napatayo na ako ulit at naglakad nang pabalik-balik. Para kasi akong nakakalma 'pag gumagalaw ako.

Kinuha ko ang earphones sa bag kong nakasabit sa akin at isinaksak sa phone para may mapakinggan na song. Nang tumama sa isang rock song, isinayaw ko na ng krumping (in my own style) para hindi ako makapag-isip ng kung ano-ano.

Napaatras ata ako masyado dahil tumama ang binti ko sa may dulo ng lamesita. Dahil doon ay tumigil ako dahil masakit. Tinigil ko na rin ang kantang tumutugtog.

Tumingin muna ako sa orasan. "Oras na," bulong ko. 6 PM kasi ang usapan namin.

May narinig akong mababagal na palakpak sa may bandang side ko kaya tumingin ako doon. May naaninag akong lalake kaya nanliit ang mga mata ko.

Pucha. Don't tell me...

"Ang galing mo palang sumayaw. Ay, sumayaw ka ba nun o nasaniban lang?" Tanong ng bakulaw na si Josef na mukhang napanood ang dance number ko.

Lumapit ako sa screen door at binuksan ito. My eyes widened dahil sa porma niya. Ang suot niya from bottom are plaid pants and black shoes, while the upper part are white long sleeves and a bow tie. Hawak-hawak niya yung bahid ng orange na tuxedo jacket.

At habang ako? Naka-jeans lang naman. Okay? May theme ba? Oh wait, ang sabi niya kahapon ay formal... Patay. Nicely done, Dada. Good job. Keep up the good work.

Mukhang nabasa niya ang expression ko dahil hindi niya na napigilan ang tawa niya.

"Sinabi ko sa'yo kahapon formal eh. Or... um... You're an independent woman and you can make your own decisions?" He teased.

Failed-ibig ✔Där berättelser lever. Upptäck nu