Cuarenta - LAST

8.3K 321 110
                                    

CUARENTA

Josef
Two years later...

"Good luck, Sef," my father told me bago ako lumabas ng sasakyan.

"'Di ko yata kaya, 'Pa. Mahihimatay po ako sa harapan niya," nagpapanic kong sambit. I even clenched both of my fists para mapigilan yung kaba.

"Kanina lang excited na excited ka, ngayon namamawis ka na sa kaba," he said, stating the obvious. "Sure ka bang nandiyan siya?"

"Pinapunta niya po ako dito, siya nagsabi nung last kaming nag-usap," I answered.

He raised his brow but he smiled. "Okay. Since I'm your father, gusto kitang warningan na 'wag mo muna siyang buntisin. Mamamanhikan muna tayo ha?"

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. "Pa naman! Gentleman itong anak niyo!"

Tumawa lang siya sa reaksyon ko tapos napailing. "Sige, kunware naniwala ako, 'nak... See? Now, you're not nervous. Puntahan mo na siya."

Alam na talaga ni Papa kung ano ang nagpapagaan at nagpapaalis ng kaba ko sa dibdib.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat Pa. Ingat po kayo."

"You too."

I nodded then lumabas na ako ng sasakyan. Pumasok na ako ng convenience store kung saan niya ako hinatid. Kapasok ko doon, may nakita akong babaeng hindi ko kakilala na nakasuot ng apron para sa store.

I guess may mga nagbago nga talaga rito.

Pero nagulat ako nang biglang may tumalon papunta sa harapan ko tapos nakataas pa yung mga kamay niya na parang magchi-cheer dance.

It's Gail.

"Hala sir! Welcome back. Ikaw ba talaga yan, Josef?" Naramdaman kong tinapik niya yung pisngi ko tapos nawala rin naman ito kaagad. "Ang laki-laki mo na, bata ka pa nung last kitang nakita!" tuloy-tuloy na sigaw ni Gail sa akin, who is not wearing an apron.

"Ha?" taka ko.

"Ay charot lang. Naging tita akong bigla?" then she laughed out loud.

Dito pa rin ba siya nagtatrabaho? Parang hindi naman. Hindi nabanggit ni Dada pero alam ko may ibang pinagkakaabalahan ito.

Wait... I admit this is not really what I expected to see here after two years. After two years, natapos ko na yung pag-aaral at nakapagpagamot na rin. It was okay, I am okay now.

I still remember what Dada said before akong pumunta sa airport nung papaalis na ako. 'Wag na 'wag daw akong maghahanap ng way para magkausap kami. Hindi raw namin kailangan malaman na sobrang layo ng pagitan at magkaiba ang oras namin. Ayaw niya raw maging theme song ng love team namin yung Magkabilang Mundo.

Baka raw mapunta pa sa time na magkaasaran na kami at mag-away dahil wala kaming right timing. So, I reluctantly agreed dahil may point naman and we've decided na 'wag mag-usap. Mag-antay na lang ng tamang oras at magkikita rin kami.

Sabi pa nga niya if nabalakan ko raw biglang maging sundalo sa ibang bansa, ipabalik ko raw sa Pilipinas yung magiging bangkay ko sa kanya. So, ang sabi ko naman if may mahalin siyang iba, ipadala niya sa akin tapos pagbalik, may makikita talaga siyang bangkay.

But in the end, nagkausap din kami kahit papano. Hindi niya siguro natiis kagwapuhan ko. Ako kasi hindi ko siya matitiis kahit kailan.

"Hi Gail," I greeted Gail bago pa man ako malunod sa mga iniisip ko.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now