Veintisiete

4.4K 183 15
                                    

VEINTISIETE

"Bat nandito ka?" I asked.

9 PM na at sobrang dilim na sa labas pero ito namang si Josef na kakarating lang, parang kakaumaga lang sa mundo niya.

May dala siyang isang libro at maliit na plastic sa isang kamay niya at yung isa ay may arm sling pa rin. Lumipat ang tingin ko sa damit niya kaya kumunot yung noo ko.

"Naglaro ka bang doctor quack quack mag-isa?" tanong ko at tinignan ko yung t-shirt niyang malapit nang sumuko.

"Eh... Kasi naman, wala akong mapaghingan ng tulong. Sobrang hirap ayusin," he complained.

Yung arm sling kasi niya ay nasa loob nung black niyang shirt. Para tuloy siyang naputulan ng isang kamay kaso ang kaibahan ay halatang-halata na natakpan lang yun ng damit niya.

Para tuloy siyang baliw na pinatungan lang bigla ng damit. Or better yet, naglaro lang talaga siyang mag-isa ng doctor quack quack sa sobrang pilipit niya.

I raised my brow. "Bat ba kasi ang hilig mong sinasaktan sarili mo?"

That question wasn't supposed to be that way. But unfortunately, ganun ko siya nasabi.

Yikes. Baka akala niya, dinadramahan ko siya.

"Feeling ko na sa alternate life ko, ako yung nananakit. Kaya siguro dito, ako yung nasasaktan dapat," he answered na para bang yun na yung pinakalogical na pwede niyang maging sagot.

Lumapit ako sa kanya tapos tinignan yung mukha niyang halatang hindi komportable.

"Aayusin ko. Hubad," utos ko.

"Ha?"

"Hubarin mo yung shirt."

"Dada, conservative kasi ako tsaka may pagka-old fashioned."

I closed my eyes and counted to three para kumalma. Then I opened them, "Okay. Bahala ka. Anong gagawin mo dito?"

"Magrereview ako," sagot niya.

I raised my brow. "Para san?"

"Para sa future natin," he answered with a wink.

Jusmiyo. Patawarin niyo ho sana siya.

"'Di ba dapat magpahinga ka muna?" I asked.

Umiling siya tapos tinaas yung plastic na dala-dala niya. "Kailangan kong tubig para dito."

Ah, may gamot siya. Syempre. Pero tubig? Talagang kailangan galing sa convenience store?

"Kaya mong magreview kahit wala yung isang kamay?"

Okay, medyo ako na yung nakukulitan sa sarili ko.

"Dalawa pa naman mga kamay ko, unavailable lang yung isa," he answered.

"Pero—"

"If I didn't know better, feeling ko sobrang nag-aalala ka sa akin," putol niya then tumawa siya nang malakas.

Hay. Sino waring hindi mag-aalala sa taong nabangga ng sasakyan? Nung nakita nga siya ni Michael kanina, parang hindi man siya nanalo kasi nalungkot siya sa kalagayan ng kuya niya.

Ito namang si Josef nagtatalon kasama yung mga team mates ni Michael para raw makisaya. Certified baliw nga.

Katapos nun, si Kiella (na nakaubos nung Stik-O ko) ay nagkwento tungkol sa nangyari. Hindi naman sila nagpapansinan ni Michael at mukhang walang patayan ang naganap kaya hinayaan ko na lang.

Nakasama ko silang tatlo maglakad papunta sa store tapos umuwi na rin sila katapos nun. Sina Josef at Michael naman ay may dadaanan daw kaya umalis din.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now