Treinta y Dos

3.9K 149 3
                                    

TREINTA Y DOS

"Ate Dada! Good morning!" someone shouted.

Lumingon ako dun sa sumisigaw at nakitang tumatakbo palapit sa akin si Kiella.

"Oh, Kiella," tawag ko sa kanya.

She waved then jumped right in front of me. I swear, tumalon talaga siya and feeling ko medyo malakas yung pagkatalon niya kaya nag-iba yung ekspresyon ng mukha niya.

Pero agad din itong ngumiti.

"San ka papunta?" she asked.

"Sa hospital," I answered.

Kumunot yung noo niya. "May sakit ka?"

Umiling ako tapos nagsimula nang maglakad. Sumabay naman siya sa akin kaagad.

"Bat ka pupuntang ospital?"

"May bibisitahin ako," sagot ko sa tanong niya.

Miss ko na rin talaga si Mawmaw.

She nodded briefly tapos narinig kong huminga siya nang malalim. I am sure na yung susunod na sasabihin niya ay sasamahan niya ako.

"Sama ka?" Inunahan ko na siya.

Tumawa siya tapos nagthumbs up sa akin. "Okay lang?"

"Ano pa bang magagawa ko?" Then I wondered so I asked, "Sobrang bored mo ba kaya nagtrabaho ka sa store?"

"Alam mo?" She faked a gasp.

Duh.

Hinawakan niya yung batok niya tapos napailing. Mukhang may inisip muna siya bago sagutin yung tanong ko, "Oo, ate. Sobrang bored ko talaga."

"Nag-away kayo ni Michael?" I asked directly.

She gasped, once again. Pero this time, parang nagulat talaga siya sa tanong ko.

"Alam mo?!"

Duh. Ulit.

"Magkakilala ba kayo?"

Hindi ko narinig yung binulong niyang sobrang hina kaya ipinaulit ko yung sinabi niya.

"Parang pamilyar siya," she stated then suddenly, tumawa siya nang sobrang lakas. "Nakita ko na yata siya sa Animal Planet."

Kinarir na nga yata talaga niya yung pagiging hayop ni Michael. Not that I'm saying na hayop siya pero based kay Kiella, animal hunting yung dalawang salitang ginamit niya dati.

"Kayo! Ni Kuya Sef! Musta na kayo?" pag-iiba niya ng topic.

Asus. Binaling pa sa akin. Then I remembered him kaya hindi ko namamalayang napangiti na ako. "Ako tao pa rin, siya tae pa rin."

She laughed again tapos hinampas pa ako.

Pero loko rin talaga 'tong isang ito eh.

"Bat pala natin nilalakad papuntang ospital, ate?" reklamo niya sa akin.

Hinampas ko rin siya tapos tumawa nang peke. "Gusto mong gapangin natin papunta doon?"

Tumawa nanaman siya tapos akmang hahampasin ako pabalik nang umiwas ako at lumayo.

"Tinatanong ko lang if lalakarin mo hanggang don! Ate talaga! Kumo-corny ka na... Nahahawa ka na yata sa kanya," she retorted.

Inirapan ko lang siya pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Napaisip ako sa sinabi niya. Nahahawa na nga yata talaga ako. I never once the type to make a joke randomly.

At kung tutuusin, si Josef rin ay nahahawa na yata sa pagiging seryoso ko. Minsan natatakot na nga ako na baka maging seryoso na talaga siya sa buhay.

Failed-ibig ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ