Veintinueve

5.2K 227 38
                                    

VEINTINUEVE

"Sabihin mo sa akin na hindi si Kiella at Michael ang nagbabantay sa store," I pleaded.

"Hindi si Kiella at Michael ang nagbabantay sa store," Josef told me. I was about to sigh in relief nang magsalita ulit siya, "Pero ayoko nang magsinungaling sa'yo."

I stilled nang sabihin niya yun. Homaygad. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina sa restaurant. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil... Ano naman ang isasagot ko 'di ba?

Ginawa ko yung lahat para kumain nang mabilis at siya naman ay ginawa yung lahat para ipahalata sa akin na nakatitig lang siya sa akin.

Natawa pa nga siya nung nabilaukan ako dahil nakalimutan kong ngumuya.

Katapos kumain, inimbita na niya akong umalis at sa kadahilanang ayokong magsalita, tahimik na akong sumakay hanggang makarating na kami dito sa store.

"Bakit sila?" tanong ko.

Tinitigan ko mula sa kotse sina Michael at Kiella. Si Kiella yung nasa labas ng store at nakaupo lang habang nagce-cellphone habang si Michael ang nasa counter, salamat naman.

Dahil kung si Kiella yung nandun, baka nilibre niya na lahat ng mga taong nagbabayad.

"She asked for a favor at dahil wala pa naman akong naiisip na ibang gustong magbantay, pumayag na ako," he explained.

Oh, siguro sobrang bored na nga siya sa buhay niya.

I raised my brow. "Si Michael?"

"He volunteered."

Wow. "Volunteer?"

"Oo, yung kapag nag-offer ka sa sarili mong desisyon, magvo-volunteer ka."

Inirapan ko siya kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatingin pa rin ako sa store.

"Parang galit si Kiella," I said my observation out loud.

Nahalata ko kasing parang pabagsak yung pagpindot niya sa cellphone at parang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. That girl always moves or gagawin niya ang lahat para may maasar.

Pero ngayon, nakaupo lang siya at nakatitig sa cellphone na parang papatayin niya na 'to.

"Inaway siguro siya ni Mike," Josef muttered under his breath.

Tumingin ako sa kanya dahil narinig ko pa rin siya. "Away? Michael? I thought he's a good guy."

Natawa siya sa sinabi ko. "Oo naman. Mabait siya pero I think Kiella unfortunately succeeded to be on his bad side."

Ah. Hindi naman imposible. Siya nga yung hina-hunting kuno noon nito kaya baka may ginawa si Kiella na hindi nagustuhan ni Michael.

"Pero bat nag-volunteer si Michael?" pagtataka ko.

He shrugged. "Hindi ko alam eh. Baka curious siya o kaya wala lang magawa."

Bababa na sana ako nang pigilan niya ko gamit ang paghawak sa braso ko gamit yung kamay niyang walang arm sling.

"San ka pupunta?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Magtatrabaho ako."

Ano pa ba? Anong gusto niya? Matulog ako ulit sa sasakyan?

"Day off mo ngayon, Dada," he reminded me.

"Gabi na kaya technically, hindi na day," pamimilosopo ko.

He burst our laughing then when his laughter died, he squeezed my arm before letting it go. "O edi night off mo... Kuya, tara na po."

Nanlaki ang mga mata ko nang umandar na yung sasakyan.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now