Veintisais

4.4K 169 4
                                    

VEINTISAIS

"Sige, una na ako, Gail!" paalam ko.

"Okay! Ingat ka sa date—"

Tumigil siya nang tignan ko siya nang masama.

Hawak-hawak ko yung isang lalagyan ng strawberry flavor na Stik-O at sa kabilang kamay ko naman ay isang stik-o na kinakain ko.

Itutulak ko pa lang sana gamit ang balikat ko ang pinto nang may nagbukas na nito.

"Ate Dada!"

Kiella opened the door wider para makalabas ako pero nang makaapak ako palabas, bigla siyang humarang.

"Si Ate Gail na ulit sa umaga?" she asked.

I nodded dahil hindi ako makapagsalita habang ngumunguya.

"Saan ka naman papunta kasama yang isang lalagyan ng Stik-O?"

"May date sila ni Josef!" sigaw ni Gail na nakikinig pala sa usapan namin.

Hindi naman date, as in date. Yung date na parang date lang naman. Huh? Wait, ulit... Hindi naman kami magde-date, magde-date lang kami sa labas. Okay, nakakalito pa rin.

Basta ganun. Tsaka isa pa, sasamahan ko lang naman siya. So technically, hindi date. Sabi lang niya the day before yesterday na samahan ko siya tapos kung 'di ako umoo, wala ring oo dun sa pagkain.

Ayos 'di ba?

Tinignan ko ulit nang masama si Gail pero tinawanan niya lang ako. Bwisit.

"Ah! Siya ba yung kayakap mo nung isang gabi, Ate Dada?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Kiella. Si Gail naman ay mabilis na nakarating sa tabi ko at hinawakan sa mga balikat si Kiella.

"Hala! Anong kayakap? Sa gabi? Habang madilim? Saan?" tuloy-tuloy nitong tanong sa kanya.

Mukhang hindi naman nagulat si Kiella sa mga tanong ni Gail dahil tumango-tango pa ito.

"Napadaan lang ako kasi may binisita ako dun sa building tapos nakita ko silang nakatayo sa daan tapos nagtitigan sila dun," kwento nito.

Tinakpan ko ang mga tenga ko habang nakaipit sa mga braso ko yung lalagyan.

Sa daming pwedeng makakita sa amin ni Josef nung gabing yun, si Kiella pa. My gad.

"Sa kakapanood mo lang yan ng movies," pagdedeny ko at kumuha ng bagong Stik-O. "Alis na ako ha."

Hinarangan na naman ako ni Kiella at kumuha rin siya ng Stik-O mula sa akin.

Bago ko pa man siya pigilan, nakuha na niya yung nakalagay sa plastic na dalawa.

"Uy! Huli kong kinakain yan!" reklamo ko tapos akmang kukunin ko na sa kanya nang lumayo siya.

"Sama mo ako sa date niyo," she said.

"Ha?" gulat na sabi ni Gail.

Yun din ang reaksyon ko. Ha?!

"Eh kasi naman, wala akong magawa. Sobrang nakakaboring yung buhay. Isama mo lang ako kung san kayo pupunta tas 'di ako manggugulo! Promise!"

Then she even raised her right hand na parang namamanata talaga.

Sabihin niya wala siyang mapagtripan kasi iniiwasan na siya lahat ng kakilala niya. Sa daming kahihiyan at kalokohan na alam niya, minsan matatakot ka na lang talaga.

"Dito ka na lang kay Gail," I suggested.

"Uy! Gustong masolo si Josef!" Gail teased.

Inirapan ko siya tapos tinignan si Kiella na hindi pa rin ibinababa yung kamay.

Failed-ibig ✔Where stories live. Discover now