4

1.1K 38 0
                                    


Gaya ng sabi ko umuwi nalang ako para matulog. Pero Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto ay sigaw na agad ni Daddy ang narinig ko.

"WHY DID YOU DITCH YOUR CLASS AGAIN ATHEA?!!"

Hindi ako kumibo. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa mag kabilang tenga ko sanay na ako sakanya dahil ganyan naman sya lagi

"The hell you care" Malamig na tugon ko

Nilapitan nya ako at hinawakan ng mahigpit sa braso. Ouch. Mag kaka pasa ako pagkatapos nito. Sinalubong ko ang madilim nyang mukha.

Hindi na ako takot sakanya. Sobra na sya.

I glared at him

"Wear your manners lady! I am your DAD! Watch your words!"

Manners? Oh really? Ngumisi ako para lalo syang mainis saakin

"Really? Im with my manners dad. You still have the guts to say that huh? DADDY? You never act like a dad to me"

Lumuwang ang pag kakahawak nya saakin ng bumaba si mommy kasama ang magaling kong ATE

"Wala ka talagang Modo! Ibang iba ka sa ate mo!"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Kaya buong lakas kong inalis ang pag kakahawak nya saakin

"YES DAD! HINDI AKO SI ATE! HINDING HINDI AKO MAGIGING SYA! BUONG BUHAY KO LAGI AKO ANG MALI! AKO NALANG LAGI! I TRIED MY BEST DAD! BUT YOU KEEP ON PUSHING ME AWAY!! YOU NEVER TREAT ME LIKE YOUR DAUGHTER! STOP COMPARING ME TO YOUR MOST BEAUTIFUL DAUGHTER!!!! YOU DONT DESERVE MY RESPECT!!! I HATE YOU! I WISH ---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni daddy. Sa sobrang lakas parang maalis ang ulo ko. Linapitan ako ni mommy pero hinatak sya ni daddy.

"WALA KANG KWENTANG ANAK!!"
Sigaw ni daddy. Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa gilid ang aking labi

"Oo. Wala akong kwentang anak dad"

Tumakbo ako palabas ng bahay dahil hindi ko na kaya lahat ng sakit nagagawa nya akong saktan. Buong buhay ko naging sunud sunuran ako sakanya ni minsan hindi nya ako pinansin. Si kuya na kakampi ko inilayo nya pa saakin. Minsan iniisip ko nalang na hindi nila ako anak. Nasasaktan ako pag kinukumpara nya ako sa ate ko. Si Ate Camilia na MAGALING MATALINO MABAIT MASUNURIN. Ako? Isang dakilang sakit sa ulo na wala ng ginawa kundi mag pa sarap sa buhay.

Sa kakatakbo ko di ko namalayan na nasa park na pala ako malapit lang ito saamin. Umupo ako sa isang bench. Siguro mukha na akong tanga dito dahil umiiyak ako

"Why are you crying? Are you okay?"

Tumingala ako para makita kung sino ang tao na nasa harapan ko
Sa lahat ng tao bakit sya pa ang makaka kita saakin na ganito ako?

Si Zach. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko bigla ko syang niyakap ng mahigpit at umiyak sa dibdib nya. Masakit.

"Hush now. Tahan na"

Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib nya. Sobrang basa na ng damit nya sa kakaiyak ko iniharap ako ni Zach sakanya.

Pinunasan nya ang luha na nasa pisngi ko

"Who did this to you? Bakit namumula ang pinsgi mo at putok ang gilid ng labi mo? What happend?" Nag aalalang tanong nya na lalong nag paiyak saakin

"My dad" Nauutal na sabi ko

Nabigla sya sa sagot ko. Sino nga bang hindi mabibigla pag nalaman nila na ang Isang Athea Yen Castillo ay sinasaktan ng ama nya?

Hindi nagsalita si Zach niyakap nya lang ako ng mahigpit. I feel comfortable in his arms.

"I dont know what happen but please stop crying ang pangit mo na"

Ihampas ko sya sa braso kaya nakatawa sya. Kahit uhugin pa ako kaka iyak hindi ako pangit. I was born beautiful. Always remember that.

"I. AM. BEAUTIFUL." Madiin na sabi ko

Kahit papaano naalis ang sama ng loob ko dahil sakanya. Umupo sya sa tabi ko hinayaan ko lang sya dahil wala akong lakas na sungitan sya.

Mahabang katahimikan ang nanaig saamin hindi ko magawang mag salita dahil pagod na ako sobra. Minsan hinihiling ko nalang na sana magkasakit ako at mag alala naman si daddy minsan. Simula pa ng bata kami ay ako na lagi ang pinapagalitan nya.

Napailing nalang ako dahil pumatak na naman ang luha na pinipigilan ko. Malakas ako sa paningin ng iba pero hindi nila alam na may weak side ako.I may be bitch sometimes but still, I have a kind heart. Behind my beautiful smile is a world of pain. You think you know me but you don't

Who will think na ang isang Athea Yen Castillo ay iiyak? Wala. Ang tingin nila saakin ay walang puso. Mataray lastly a BITCH.

I take a deep breath. Everything will be fine Athea. Maybe not now.

"Do you want to go home?" Mahinang tanong ni Zach saakin sapat na para marinig ko

"I don't know. Ayoko muna umuwi. Can you stay by my side? Kahit ngayon lang please" Nakikiusap na saad ko.

For the first time in my 17 years of existence I pleaded.

Zach nodded.

"Thankyou Zach"

Nginitian nya lang ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag nandyan sya. Hindi ko pa sya kilala pero eto ako kasama sya at nakiusap sakanya na samahan ako.

For the 9th time. I sigh. 2 hours na kaming nakaupo dito. Its already 9 in the evening. Konti nalang ang mga tao sa park. Medyo nilalamig na din ako. Gusto ko na sana umuwi pero parang hindi ko kaya na harapin si daddy.

"I dont know what happend. But I think you need to go home. Its already too late"

Tinignan ko sya at binigyan ng isang pilit na ngiti. Tumayo na ako at pinagpagan ang aking suot.

"Lets go" Yaya ko sakanya

Tumayo na din sya at sumunod saakin naglakad lang kami pauwi. Gusto nya akong ihatid ayoko sana dahil gabi narin baka anong mangyari sakanya sa daan. Pero mapilit sya kaya hinayaan ko nalang sya.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng bahay namin.

"Hindi na kita yayayain pumasok ah? Salamat sa paghatid. Mag ingat ka. Alam mo ba? Gwapo ka pag walang salamin I think. Bye"

I heard him chuckle. Kaya tumakbo na ako papasok kasama ang kaba sa dibdib ko.

Dali dali akong tumakbo pataas dahil nakita ko si daddy na nakaupo sa sofa na masama nan naman ang tingin saakin. Pagpasok ko sa aking kwarto nilock ko ang pinto at ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama.

Isang nakakapagod na araw -,-

----

She's dating Mr. Eye glassesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें