11

909 29 0
                                    

Athea,

Inihatid ako ni Zach pagkatapos. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Sana lagi nalang ganito.

"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko sakanya

Nag angat sya ng tingin saakin

"Niyayaya mo ba talaga ako?" Naguguluhang tanong nya saakin

Natawa ako sa reaksyon nya. Nahihiya din naman ako dahil pangatlong beses nya na akong inihatid at hindi ko man lang sya nayaya na pumasok sa bahay namin.

"Oo naman" Naka ngiti kong saad

Bago pa sya magsalita ay hinatak ko na sya papasok sa loob. Nakita ko si Kuya na nasa sala at KUMAKAIN. Matakaw po kasi ang kuya ko.

"And-- SINO KA?!" Sigaw ni kuya drew.

Biglang natakot si Zach sa pagsigaw ni kuya. Kaya nag tago sya sa likod ko.

"Ano ba kuya! Wag ka nga sumigaw. Natatakot tuloy. Si Zach po. Kaibigan ko I mean kaklase ko po sya"

Tinaasan ako ng kilay ni kuya "Mag pakita ka nga ulit saakin oy Lalake!!" Sigaw ulit ni Kuya

Nanginginig pa ang kamay ni Zach ng harapin nya si Kuya.

"Gusto mo ba ang kapatid ko?!!"

Nabigla ako sa tanong ni kuya kay Zach kaya hinampas ko sa balikat si kuya.

"Tumigil ka nga kuya para kang tanga!" Inis na bulyaw ko

Inirapan lang ako ni kuya at nag patuloy sa pagkilatis kay Zach. Natawa ako ng hawakan ni Kuya ang pwet ni Zach

"Bakla kaba?" Seryosong tanong ni kuya

"Hindi po!" Mabilis na sagot ni Zach

Hindi alam ni Zach kung ano ang gagawin nya kaya hinatak ko na sya at pina upo sa Sofa

"Umalis ka nga dyan kuya. Tinatakot mo naman ang kaibigan ko eh!" Asar na sigaw ko

Sinimangutan lang ako ni Kuya at umupo sa tabi ni Zach. Nakayuko lang si Zach dahil nahihiya pa din o naiilang kay kuya.

Nabigla ako ng dumating si Daddy kasama sina Mommy at ate na may bitbit na mga damit. Mabilis na tumakbo si Kuya kay Daddy at gumawa ng kwento

"Dad oh. Si AY may boyfriend na" Parang batang sumbong ni kuya.

Sinamaan ako ng tingin ni daddy.

"Dad. Maniwala kayo dyan. Para kang bata kuya" Inis na sabi ko

Tumayo si Zach at nag mano kay Mommy at Daddy. Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang hinawakan ni Daddy ang kwelyo ni Zach.

"Daddy!" Sabay naming sigaw ni ate

Lumapit agad ako para alisin ang pagkakahawak ni Daddy kay Zach.

Halos malaglag ang panga ko sa sumunod na sinabi ni Daddy

"MAY MAIPAPAKAIN KANA BA SA ANAK KO AH?! PANANAGUTAN MO BA SYA?!" Sigaw ni daddy

Sobrang putla ng mukha ni Zach "Po?!" Naguguluhang sagot ni Zach

Linapitan ni Mommy si Daddy at inilayo kay Zach

"Tinatakot nyo ang bata!" Natatawang sabi ni mommy

Nilapitan ko si Zach at hinawakan sa braso

"Dad naman e. Tinatakot mo ang bisita ni Athea" naka simangot na sabi ni Ate

Ngumisi si kuya at inakbayan ni ate "Dapat lang na matakot yan! Dadaan muna sila saakin bago maka panligaw sainyo!!" Inis na sabi ni Kuya habang naka tingin ng masama kay Zach

Sinamaan ko lang sya ng tingin bago magsalita. God. Nakakahiya ang pinag gagawa nila kay Zach. Sana lamunin nalang ako ng lupa.

"Dad. This is Zach Miguel Tan my classmate slash tutor"

Tinaasan nila ako ng kilay. Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni kuya

"What?" Tanong ni daddy

Ngumiti lang ako at tumango sakanya. Mahirap bang paniwalaan na may tutor ako?

"May tutor po ako. Si Zach po ang nagtuturo saakin" Mahinang sambit ko

Nakakahiya. Napataas ako ng tingin ng bigla nalang tumawa si daddy

"Bumabait na ang Princessa ko" Masiglang pahayag ni daddy na nag palukso sa aking puso.

Princessa? Nginitian nya ako at niyakap ng mahigpit. Sobrang galak ko at nagagawa na akong yakapin ni daddy.

"Dad" Bulong ko sakanya

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakakainis kahit kailan talaga. Napaka iyakin ko.

Hinimas lang ni daddy ang ulo ko habang pinapatahan "Hush now" Pag aalo nya

"TAMA NA ANG DRAMA!" Sigaw ni kuya

Inirapan ko lang sya at pinunas ang luha na nasa pisngi ko.

Hinarap ko si Zach na kasalukuyang nakatingin saakin habang nakangiti. Tinaasan ko sya ng kilay dahilan para matawa si mommy

So pagtatawanan lang nila talaga ako?

Niyaya nilang kumain si Zach sa bahay pero tumangi sya at sinabing may pupuntahan pa daw sya kaya hindi na sya pinilit ni mommy.

Natatakot lang siguro sya dahil akala nya ay sisigawan nana man sya ni kuya.

"Ingat ka ah?" Paalala ko sakanya habang pasakay sya ng taxi na tinawagan ko kanina.

May private taxi na pweding tawagan para sunduin ka.

Nginitian nya ako at kumaway "Opo. Haha. Nakakatakot ang daddy at kuya mo."

Sabi na e. Kumaway pa ako ng isang beses bago sya umalis.

"Sigurado ka bang hindi mo boyfriend iyon?"

"Ay kabayong sumasayaw!" Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pagkabigla.

Sinimangutan ko si kuya at iniwan sa labas. Napaka kulit nya talaga. Ayaw nya ako tigilan sa kaka tanong nya kung nanliligaw ba daw o boyfriend ko si Zach.

"Oy! Kinakausap pa kita ATHEA YEN CASTILLO!" Sigaw nya

Pero hindi ko sya pinansin. Pumasok lang ako sa bahay at iniwan sya sa labas

Hindi pa man ako nakaka akyat ng hagdan ng sumigaw nana man sya

"Oy! Bumalik ka nga dito!"

"Tigilan mo nga ang kapatid mo Andrew!" Bulyaw ni daddy

Kaya hinarap ko sya at inasar.
"Bleh!"

Tumakbo na ako pataas bago ako habulin ni kuya

Sinara ko ang pinto at humiga na sa kama ko.

Bigla ko nalang naalala si Zach kanina. Kinuha ko ang teddy bear na ibinigay nya saakin

AZ. Athea Zach. Geez. Para akong malalagutan ng hininga sa tuwing tititigan nya ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag andyan sya. Abnormal na ata ang puso ko. Kailangan ko ng mag pa check up.

Niyakap ko ng mahigpit ang skyblue na teddy bear na binigay ni Zach saakin

Pink ang ibinigay ko sakanya. Ayaw nya pa kunin kanina dahil lalaki daw sya dapat sakanya ang skyblue.

Tinawanan ko lang sya sa sinabi nya. Kinuha ko pa din ng skyblue. Sabi nga nila REAL MEN WEAR PINK

Natatawa ako sa tuwing naiisip ko ang naka nguso nyang mukha.

Aish. Ipinikit ko ang mata ko at niyakap si AZ.

"Goodnight AZ" Bulong ko at hindi rin nag tagal ay bumigat na ang talukap ng aking mga mata.

She's dating Mr. Eye glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon