19

837 22 0
                                    

"Ano na?" Inis na tanong saakin ni Zach.

Kanina pa nya ako kinukulit na samahan sya pumili ng damit nya. Bakit ba hindi sya mag pasama sa GIRLFRIEND nya.

Tinalikuran ko lang sya at humarap sa laptop na dala ko. Kanina pa ako nag reresearch ng magandang damit.

"Please. Samahan mo naman ako"

Kaasar to. Bakit ba pilit syang lumalapit saakin? Nakakairita.
Sinara ko ang laptop ko at hinarap sya.

"Bat di ka mag pasama sa girlfriend mo?" Tinitigan ko sya sa mata. Bigla nalang syang umiwas ng tingin.

"Dont change the topic Yen. Kung ayaw ko sabihin mo lang saakin" napangiwi ako sa itsura nya.

Para syang tuta. "Okey okey"

Hindi rin naman sya titigil hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya. Makulit po kasi sya.

Pero hindi parin mawala sa isip ko ang pag iwas nya ng tingin kanina dahil sa pag banggit ko ng GIRLFRIEND.

Baka nag away sila? Wait. Bakit ko ba sila pinoproblema? Kainis.

"Tara na"

Tumango lang ako at sumunod sakanya. Bakit ba kasi kailangan pang sya ang pumili ng damit? Ako nga si mommy ang pumili. Sabi nga nila 'Mother's knows the best'

Naglakad lang kami palabas ng school. Hindi ako sumabay mag lakad sakanya. Nasa likuran nya lang ako. Baka may makakita saamin at gawan pa nila kami ng kwento.

Hindi ko alam kung paano sya pakikisamahan. Kung paano ako kikilos pag nandyan sya. Kasi sobrang hirap na mag pretend na wala lang sya saakin.

"Tumingin ka nga sya dinadaanan mo"

Suway nya saakin. Doon ko lang narealize na nakayuko pala ako habang naglalakad.

Lumapit sya saakin at hinawakan ang kamay ko. Natulala nalang ako bigla dahil sa paghawak nya ng kamay ko

Bakit ba ang lakas ng epekto mo saakin Zach? Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

Nagising ako sa aking pananaginip ng pitikin nya ako sa noo.

"Ano ba? Aalis na tayo" Pagsusungit nya saakin

"Bat ba ang sungit mo? Ipapaalala ko lang sayo ah? Nag papasama ka saakin. Wag mo akong sungitan!"

Nakakairita sya "Tsaka bitawan mo nga ang kamay ko. Baka may makakita saatin!"dugtong ko

Pero parang wala man lang syang narinig dahil hinatak nya ako at lalong hinigpitan ang pag kakahawak nya saakin.

Wala na akong nagawa kaya nanahimik nalang ako. Gusto ko din naman eh! Wait. Joke lang.

Hawak nya parin ang kamay ko hanggang maka sakay kami ng Jeep. Opo for the second time. Sumakay ako ng Jeep.

Sorang sikip at init. "Zach" Nahihirapan akong huminga.

"Okey ka lang?" Puno ng pag aalala ang mukha nya.

Tamango ako at huminga ng malalim. Dont ruin the moment Yen! Chance mo na yan. Sorry Ri. Kahit ngayon lang. Hayaan mo muna ako na makasama si Zach.

Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa Mall. Naka hinga na ako ng maayos. At last.

Binitawan na nya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Parang gusto ko bawiin ang kamay nya at hawakan mahigpit.

Pumiling ako at huminga ng malalim "Bwisit. Umayos ka nga!"

Para akong tanga dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Uy. Nagsasalita ka dyan mag isa. Okey ka lang?"

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now