28

797 23 0
                                    

Pumasok ako kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Nawalan ako ng malay kahapon dahil sa sobrang pagod kakaiyak.

Mula kahapon ay hindi pa nag paparamdam saakin si Zach. Paano kung naawa sya kay Ri at ako naman ang iwan nya? Hindi ko na kaya pang masaktan.

Once is enough.

Ngayon, pag pasok ko palang ay naka tingin na lahat saakin. Taas noo akong naglakad. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para saktan at apakapakan ng iba.

Alam kong mali ako, pero wala silang karapatan na husgahan ako dahil hindi nila alam ang side ko.

"Ang tigas din ng mukha nyan ah? May gana pang pumasok sa kabila ng ginawa nya?"

I close my fist. Trying to calm myself. Hanggat maaari ayokong pumatol sakinala. Kagabi pumunta si Ms. Flores sa bahay sinabi nya kay daddy lahat ng nangyari.

Hindi ako pinagalitan ni daddy, pinagsabihan nya lang ako. Na hanggat kaya kong tiisin at habaan ang pasensya ko gawin ko.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Wala akong pakealam sa mga taong nakapaligid saakin.

"Yen .." Nakasalubong ko si Eros.

May bahid ng pag aalala sya mukha nya. I force a smile. Isa sya sa mga taong naging close ko nung panahon na kami pa ni Kean. Mahilig syang mang asar at gumawa ng ikakahiya ng mga kaibigan nya inshort lagi syang palpak. Pero pagdating sa ganitong mga bagay. Maasahan mo sya. Hindi ka nya iiwan kapag kailangan mo sya.

"Hey. Dont look at me like that Eros. Im perfectly fine" Pilit kong pinasigla ang boses ko.

Like what I expected hindi sya maniniwala. Tinaasan nya ako ng kilay at tinawanan "Your not a good liar Yen. Try harder"

"You should teach me how to Lie"

Pinitik nya ako sa noo at inakbayan "Such a cry baby. Halika nga. Papakainin ko ng utot ko lahat ng aaway sayo"

Natawa ako sa sinabi nya. May pag ka tanga minsan si Eros. Seriously? Paano nya ipapakain ang utot?

Inalis ko ang pag kaka akbay nya saakin. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nya.

"Baka gawan nana man nila ako ng bagong issue"

Nilagpasan ko na sya. Ayoko madamay ang kahit sino sa kamalasan ng buhay ko. Kaya kong idefend ang sarili ko.

Hindi pa man ako nakakalayo kay Eros ng maka salubong ko ang mga kaibigan ni Ella.

"Ow. The Bitch is here. Omygod. How sad. She's alone"

Ngumiti ako ng matamis sakanilang lahat. Calm Yen. Wag mong papatulan yang mga mukhang hitad na mga yan.

"Ang taong Inggitera. Sa parinig tumitira"

"Tama Yen. At isa pa. Kapag may umaaway sayo o naninira. Wag mong patulan. Remember the saying? Be kind to animals"

Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi ni Eros. Kahit kailan talaga andaming alam.

Namula sa galit ang mukha nila. "So your telling na animals sila?"

Kunwari ay nabigla ako. Inilagay ko sa bibig ko ang kamay ko "Opps" Padabog na umalis ang apat sa harapanan ko. Doon na ako humalagapak ng tawa.

"Perfect match!" Nag apir kami ni Eros. Thanks to him.

"Thankyou Eros. See you around"

Naglakad na ako papasok sa room. Wala dapat akong ikahiya sakanila. Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Lahat ng mata ay saakin naka tingin. Kung nakamamatay lang ang titig ay baka kanina pa ako bumulagta dito.

Sobrang sama kasi ng tingin saakin ni Ri. Kasama nya ang mga alalay ni Ella. Balita ko hindi makaka pasok si Ella dahil puno parin ng kalmot ang mukha nya. Pasalamat sya ay iyon lang ang ginawa ko sakanya. Hindi ko pinansin ang nakamamatay na irap saakin ng mga kaklase ko.

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now