7

1K 27 0
                                    


Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Nahihiya ako dahil namamaga ang mata ko kakaiyak kagabi. At nahihiya din ako kay Zach. Oo sa unang pag kakataon tinubuan ako ng hiya sa katawan. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Zach.

Sa lahat ng nakakahiyang bagay na nangyayari sa buhay ko lagi syang nandon.

Napabuntong hininga nalang ako bago bumaba sa sasakyan. Hindi ako nahatid ni Kuya Drew kaya nag pahatid nalang ako sa driver namin.

As usual. Lumakad ako na parang rumarampa. Kung ikaw ba ang bibigyan ng magandang mukha hindi mo irarampa?

Lahat sila ay nakatingin saakin. Sino ba namang hindi mapapa tingin pag dumaan ang isang Dyosa sa harapan ninyo?

"Bitch" Itinaas ko ang isang kilay ko at tumingin sa babaeng tumawag saakin ng bitch.

Tinignan ko sya sa taas hanggang baba. Mukhang hipon.

"Im a Bitch? And you are what? A slut? Flirt? Or a whore?" Mataray na tugon ko

Tinaasan nya rin ako ng makapal nyang kilay kaya napangisi ako.

"Feeling mo ang ganda mo ah?! Eh wala kana mang alam ah? Bobo ka naman" Matapang na sambit nya.

Uminit ang ulo ko sa sinabi nya pero hindi ako nag paapekto. Ngumiti lang ako ng pag katamis tamis at sinampal sya ng Malakas.

Napa "Awwwww" lahat ng nanonood. Mga chismosa. Ano ba ang tingin nila? Nasa pelikula sila?

"You" duro ko sakanya "Hindi ako feeling maganda dahil MAGANDA talaga ako. Im trying to be nice so, dont push me to be a bitch. Get out of my way before I slap you again HARD" Madiin na sabi ko

Mukha naman syang natakot kaya nagmadali syang naglakad palayo saakin. Napaka gandang umpisa ng araw hindi ba? Mga taong walang ginawa kundi pag pyestahan ang buhay ko.

"What?!! GET LOST!" Sigaw ko sa mga taong nakiki isyoso.

Isa isa silang nag sialisan. Napa buntong hininga nalang ako. Hanggang kailan ba ako magiging ganito?

"Oy!"

"Ay kabayong kumekembot!" Nabiglang sigaw ko habang hawak ko ang aking dibdib.

"May kabayo bang kumekembot?" Tangang tanong ni Zach. Oo sya nga ang lapastangang nambigla saakin.

Hindi ko nalang sya pinansin at iniwan sya doon. Nahihiya pa din ako. Sa konting panahon na nakasama ko sya nalaman ko na MAKULIT sya. Hindi ka nya titigilan hanggat hindi nya makuha o malaman ang gusto nya

Pero nakaka ilang hakbang palang ako ng bigla syang sumigaw na ikinalaki ng mata ko.

"BABE! Sorry na oh. Mahal naman kita"

Hindi ko alam kung haharap ba ako sakanya para pigilan sya o hahayaan ko nalang sya. Dahil nakakahiya ang ginagawa nya.

Nag panggap nalang ako na hindi ko sya kilala at pinag patuloy ang paglalakad ko. Hindi ko sya kilala.

"Oy Athea Yen Castillo!"

Lupa. Bumuka ka please. Lamunin mo nalang ako

Nilapitan ako ni Zach at iniharap sakanya. Sinamaan ko sya ng tingin at binigyan ng isang nakakamatay na irap.

I gave him a what-the-hell-are-you-talking-about? look

Ngumisi lang sya at umakbay saakin. "Boyfriend moko hindi ba Babe?" Diniinan nya ang huli nyang sinabi kaya nairita ako.

"Stop playing around Zach" Asar na sabi ko sakanya pero hindi man lang nya ako pinansin. Hinatak nya lang ako papalapit sakanya

"Someone is looking. May dapat kapang ipaliwanag saakin"

Looking? Luminga linga ako sa paligid at nakita ko si Kean na nakatayo at ang dilim ng tingin saamin. Bigla nalang syang umalis ng mag tama ang mata namin. Ano bang problema nya?

"Alam ko may something sainyo"

Mali ka Zach. Wala ng something saamin tapos na ang lahat.

Inalis ko ang pag kaka akbay nya saakin at naglakad na. Sumabay sya saakin maglakad. Hinayaan ko lang sya dahil hindi rin naman nya ako lulubayan.

"Nakita kita kanina. Naki pag away ka. Siguro galit ka sakanila dahil lagi kana lang nilang napapansin. Alam mo? Wala ka naman din mapapala sakanila kung lagi mo nalang silang iisipin" Sabi nya

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya. Nakita ko ang takot sa mata nya. Nakakatakot ba ako? Yumuko pa sya at nilaro ang daliri nya. Para syang bata.

"Im not mad at them. I dont hate my haters but I wont ever surround myself with such negativity Im better than that "

Pagkatapos kong magsalita ay napatingin sya saakin. Tinalikuran ko na sya bago pa maka pag salita ng kung ano ano.

Life is too short to worry about what others say or think about you, have fun and give them something to talk about

Hindi ka naman mamatay sa paninira nila.

Nakarating na ako sa room namin pero wala pa si Zach. Nasaan ba sya? Hindi bat nasa likuran ko lang sya kanina? Wait. Why I am even thinking about him? Aish.

High School Life. Sabi nila masaya daw ang high school. But in my case I think hindi naman. Sasaya kaba kung araw araw ka nilang pinag uusapan? Na daig pa nila ang Writter ng story kung maka gawa ng kwento tungkol sayo.

I take a deep breath. I know everything will be fine. Maybe not now. But I hope someday. Im tired of being a BITCH.

Last night, Napag isip isip ko na hindi habang buhay ganito ako. Kailangan ko ng ayusin ang buhay ko dahil malapit na akong mag graduate. Ayoko maiwan sakanila.

Naputol ang pag iisip ko ng biglang pumasok si Ms. Flores.

"GoodMorning class" Masiglang bati ni Ms. Flores

Tumayo lahat KAMI. Oo for the first time tumayo ako.

"GoodMorning ma'am" Sabay sabay naming sabi.

Umupo na lahat kami ng mapansin kong lahat sila ay nakatitig saakin. Okay what happening here?

I gave them a questioning look.

"GoodMorning Ms. Castillo" Nakangiting bati ni Ms. Flores saakin. Tsaka ko lang narealize kung bakit sila nakatingin saakin dahil ba tumayo ako para bumati? Ganun naba ka BIG DEAL sakanila yun?

"GoodMorning Ma'am" I smile when i Greet her. Show some Respect. I guess?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa unang pagkakataon ay hindi ako napagalitan. I feel happy. Ganito pala ang feeling na walang galit sayo?

Nag umpisa ng mag discuss ng lesson sa harapan si Ms. Flores pero wala parin si Zach. Saan ba pumunta ang apat na matang yon?

Natapos na ang Lesson ni Ms. flores pero wala pa si Zach. Vacant namin ng Second subject kaya nag silabasan ang mga Classmate ko.

Inayos ko na din ang gamit ko at lumabas na ng madaanan ko si Nikka Gonzales kausap si Apple Manalo. Mga classmate ko sila.

"Nakita ko si Zach kanina sa Library
Sobrang dami ng libro na nasa harapan nya. I think nag reresearch na sya para sa ituturo nya kay Athea"

Ituturo saakin? Naglakad ako papuntang Liblary. Tama nga sila. Nakita ko sya na busy sa pag oopen ng mga makakapal na Libro. My heart beat so fast. Bakit nya ba ginagawa ito?

Sobrang seryoso ng mukha nya. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya oh hindi. Kanina pa sya dyan hindi pa sya kumain.

Napag pasyahan kong ibili sya ng maka kain. Hindi naman ako ganun kasama para hayaan syang magutom para sa ginagawa nya saakin.

I buy two piece if hamburger and fries. Drinks? Coke in can. Hindi ko naman alam kung ano ba ang gusto nya.

She's dating Mr. Eye glassesWhere stories live. Discover now